14 Replies

sis,pang ilan weeks mo na po? wala naman po ba masakit? hindi parang mag memens? ako kasi dinugo sa pang 6 weeks ko. basta ang alam ko hanggat d heavy at fresh blood at hindi mahilab,ok lang.ibed rest mo po. pero pag kakaiba na ang bleeding magandang pa check kana sa ob. base sa experienced ko,mei tinatawag rin kasi na implantation bleeding, pero wag m hayaan na lumakas dahil kapag lumakas ang bleeding numinipis ang lining sa loob natin kaya walang nakakapitan na ang baby,kaya nakukunan ang iba. sa ganoong case mei pampahinto naman ng bleeding at pampakapit na ibibigay. 8weeks ko na ngayon, nag duduphaston parin ako at heragest (vaginal suppository).nawala narin brown discharge ko..hoping na next tvs ko ok na lahat. PS: sya nga pala,anterior placenta pala ako at low lying (yan nalang ang di malinaw sa akin kung posible ba talaga na tumaas,sa anong month po kaya ng pagbubuntis?)

same po tayo sabi nang ob ko kaya daw my dugo kasi yung sa my inunan ni baby nasa baba pa daw pag ka tapos nang 1stsemester or 3months unti unti daw tataas yun kaya ma wawala ma din yung pag dudugo ako antay lang ako nang 3weeks na pag inom nang duphaston halos mg 2months din ako umiinom nang duphaston para lang maganda ang lagay ni baby now nasa 11weeks 4days na baby ko sana malagpasan natin yung mga ganitong pag subok 💞💞😭

nung 6weeks ako nag spotting ako right after ng pelvic exam at i.e. ni doc. my pinisil sa puson ko nun tinanong kung may masakit. tpos i.e. for tvs ako to confirm pregnancy.. pagalis ko sa clinic nya bigla ako nag spotting. nagpa ultrasound agad ako. may nkita subchorionic hemorrhage. pagkauwi nag bedrest agad ako. sinabi ko sa doctor sa text sabi lng bedrest lng dw nga at wala binigay sakin gamot.. so from 6weeks to 12weeks everyday spotting ako. walang mintis. dinaan ko lng sa pahinga talaga walang mga pampakapit etc. d nko bumalik sa dati kong ob feeling ko pagpisil nya sa puson ko dun ako nag ka hemorrhage kc prior checkup ok naman ako.

kelan po yan nag bleeding ka at repeat pt nyo? ilang weeks npo kayo ngaun?

ako nga po halos mahigit 1month na ako umiinom nang duphaston pero dipa din na wawala yung hemorrhage ko baka daw pgka tapos nang 3months ma wala na more gamot more hintay muna ako kasi ok naman ang baby ko menten sa check up at sa ultrasund maganda din ang hearthbeat nya 4weeks spotting hangang 11 weeks 4days meron padin ako spotting sana mawala na after 3weeks kasi matapos ko ang 1stsemester ko

same hndi ako nawawalan ng spotting sa 1st trimester kht nainom nako pampakapit at bedrest. pagtuntong ko ng 2nd tri tumigil nadin spotting ko.

I had spotting on my 4th week after intercourse. Nag take ako duphaston and Had check up with my OB after 2 days. Normal naman lahat, so most likely it's because of the intercourse lang. Check your activities. Minsan kailangan talaga natin iminimize yung activities natin. Always consult your OB po mommy bago po mag-consult dito, mas alam nila kung ano dapat mo gawin. 😊

same tayo sis..10days nako umiinom ng duphaston and my spotting and minsan mahinang bleeding pa nga..pero kagagaling ko nagpa tvs ok naman baby may minimal hemorrhage pa din dw..sa monday pa check up ko kaya medyo nppraning nako bat antagal ko ng ganto mga 8days na..

buti po kayo 8days lang akin simula 4weeks pa si baby my spotting na ako hangang 11weeks 4days meron padin pero ok naman ang baby ko dahil sa duphaston at iba pang pamapa kapit tatlo ang pampa kapit ko kaya siguro maganda din ang lagay ni baby ko kahit na nagkaka spotting ako

VIP Member

ako nagka spotting din noon 12 weeks nagtake din ako ng duphaston pero sinabayan ng OB ko ng duvadilan pampigil early contractions. dapat fully bedrest ka lang pag ganyan . you should tell your OB about that.

Baka you need to completely bedrest po, wag po mag galaw2 ganun, gumalaw kalang po kapag punta banyo or maligo or kain, iwasan then po sexual intercourse and if still persist po, visit your OB agad.

hello mga mommies talking thru experience lang po baka di kapo hiyang sa duphaston ganyan din po kasi ako sa 1st baby ko.

same here taking heragest for 2 weeks, pero 4 days till now ngka spotting ako.. hays sana ok lang c baby 😔

VIP Member

Maybe need mo ng mas malakas na pampakapit. Sabihin mo kay ob mo iyan para maresetahan ka ng iba if needed.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles