Bakit ganun? Yung family ng asawa ko, hindi nila matanggap na kaya namin bumukod. Gusto kasi nila dun kami tumira sa kanila. Pinapanindigan ng asawa ko na kaya niya kami buhayin kaya nag-upa kami ng apartment.
Nung una tlagang naiiyak pa yung mil ko kasi lagi niya namimiss asawa ko. Nag iisang anak na lalaki niya kasi asawa ko. May tatlo pa syang anak na babae lahat dun pa nakatira sa kanila. Nagegets ko naman na siguro favorite na anak nya talaga asawa ko. Lagi rin nila kaming pinapapunta sa bahay nila, kaso may mga times na hndi na kami nakakapunta dahil sobrang busy rin sa work ng asawa ko. Kahit weekends on-call siya. Kaso pag ganun nangyayare nagtatampo sila samin. Hindi nila kami pinapansin ng mahabang panahon. And ever since na mag rent kami at magdecide na magsama na, hindi nila kami dinalaw. Kahit pa nung nakunan ako sa first baby ko kahit anino nila or pangangamusta man lang wala kaming natanggap. At ngayon na nabuntis ulit ako, at malapit na manganak saka lang ulit sila nag-chat na kailangan daw dun na talaga kami tumira sa kanila, kasi wala daw mag aalaga ng anak ko paglabas dahil kailangan ko bumalik sa work. Hndi ko daw pwede ipaalaga sa yaya ang anak ko. Hndi kami pumayag ng asawa ko kaya nagtampo na naman sila.
Then recently lang, pinapapunta na naman nila kami sa kanila kahit kakagaling lng namin dun, nagdecide ang asawa ko na wag muna kasi maselan nga ako magbuntis. Di ako pwede mag commute. Ayaw nya rin mag grab kami kasi nagtitipid nga kami sa paglabas ni baby. Nung sinabi namin yun, hala nagalit na naman sila. Bakit daw kasi di pa kami tumira sa kanila kung kinakapos naman daw kami.
Nakakaloka lang. Una sa lahat nagtataka ako bat di man lang sila mag effort na puntahan kami kahit once lang. May sasakyan naman sila. Bata pa mga byenan ko, unlike sa parents ko na matatanda na talaga. Pero mas ma effort pa family ko na dumalaw kahit sa probinsya pa sila galing. Samantalang mga in laws ko taga diyan lang sa Cainta. QC lang kami nagrerent. Nakakapikon na din minsan na gusto nalang namin hayaan na magtampo sila samin habambuhay. Naaawa lang ako sa asawa ko kasi nalulungkot sya minsan buti pa daw family ko nakakaintindi. Mabigat din kasi sa pakiramdam na alam mong may taong di sang ayon sa ginagawa namin ang masakit pa dun sariling pamilya niya pa. hays.
Anonymous