7 Replies

Masakit talaga yan, yung ex nga nung asawa ko nagpupunta pa sa bahay nila kasi close sila nung mother in law ko at nung mga hipag ko take note chinichismis pa mga problema namin sa bahay kaya yung ex feeling entitled inaaway pa ako at nagkakampihan pa sila, ginawa pa ngang ninang yung ex at ninong naman yung asawa ko. saklap diba? kaya nag open ako sa asawa ko at ayun pinag sabihan nya yung mga kapatid nya na respetuhin ako. tapos nung nabalitaan na preggy na ako, nanahimik na yung ex 😂

TapFluencer

luhh hindi nila matanggap ata na wala na sila nung girl saka ung anak nila kaloka naman yan hindi maka pag move on para sakin masakit dn yan saka nakaka walang gana haiist respito na lng sana hindi ung bukambibig pa talaga lageh nila ,hayaan mu na lng sis ma stress ka lng ipakita mu na lng sa kanila na ikaw ung anjan hindi ung ex ,nakabukod ba kayu kung ou naman dn go lng lilipas dn yan na puro ex bukambibig nila sis ,go go lng sa buhay

kung ako yan sis una kong kakausapin hubby ko, tapos sa mother nya naman kasi hanggat di mo sasabihin kung ano ung ginagawa nila hindi nila alam na nakakasakit na sila eh, or better iwas na kayo sa in laws mo muna..tell her the truth about the situation ikaw ung present na mahal ng anak nila eh, kasi sa ginagawa nila hindi lang naman ikaw binabastos pati hubby mo kasi dapat matagal na wala sa buhay niyo ung ex nya

problema nadin po ng ex ni hubby niyo yan sis, wala na nga sila nagsusumiksik at lumalapit padin sa family side ni hubby mo pero yung sa mother in law mo parang wala naman respeto yun. ako yung mother in law ko at family ni hubby never sila nagbanggit ng mga past ni hubby ko at inuunfriend pa nila sa fb yung ex ni hubby kahit di kami masyado close ng mother in law ko may respeto po sila sakin.

Mother yan ng asawa mo so dapat sensitive din ang asawa mo sa feelings mo everytime binabanggit nya ung pangalan ng ex nya sayo. Natural lang mahihiya tayo magsaliya pero sana ung asawa mo ang magsbe sa mother nya na hindi tama ung gnagwa nya lalu nat magasawa na kayo.

sakit naman nyan. nakwento mo na ba sa husband mo yan sis? para sana sya na kumausap. out of respect man lang sayo. kung yun yung gusto nila, fine. pero hindi naman sila ang asawa mo kaya sana maging sensitive sila sa mga sinasabi nila.

Kung ako man sa kalagyan m masasaktan tlga ako kase pinagkkuwebtuhan p nila yung ex ng hubby mo eh dapat sabihan m din hubby m para malaman nya nraramdaman mo tungkol sa ex nya

Trending na Tanong

Related Articles