palabas lang po ng sama ng loob

Bakit ganun bakit parang feeling ko ako po yun nang agrabyado sa Bf ko preggy po ako 32weeks na pero etong pagbubuntis ko di po planado at expected kaya po siguro parang wala siyang amor samen ever since ng nalaman namin buntis ako parang lumayo loob niya saken ni mga gusto kong kainin ako na lang mismo naghahanap o bumibili kase feeling ko pabigat ako sa knya at maiistorbo ko sya mabibigyan niya ko ng time pag nagtatampo na ko sa knya tpos sguro mag susundo siya 1 or times a week pero kadalasan hndi naiiyak ako minsan habang naglalakad pauwi galing work or papasok kase ramdam na ramdam ko yun hirap pero wala akong choice kung tumuloy kase mukhang wala akong aasahan sa knya ever since ni hndi niya ko nasamahan mag pacheck up ni kahit pang vitamins or pang laboratory namin mag ina wala so self support ako di alam ng pamilya ko na ganun yun cycle namin sinasarili ko lang lalo na pag masama loob ko sa knya kase feeling ko binigyan ko sya ng problema hndi ko naman siya inoobliga samen kase nahihiya ako pero nagdedemand ako kahit oras niya lang okay na ko pero parang hirap na siya ibigay samen yun... Napipilitan lang din siguro siya na panagutan kami halata naman na wala siyabg amor samen ng baby ko ee wala syang kaplano plano samen until now andto ako sa parents ko and until now working pa din kahit hirap na hirap na ko ?? Wala akong choice kung hndi maging matatag para sa baby ko ...

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ganyan lang din naman ang partner mo, hayaan mo na siya, magiging matatag ka for you and for your baby, iwasan mo muna siya kasi wala naman magandang dulot eh, maii-stress ka lang which is masama po for the baby. Kaya mo yan. Godbless po.

Related Articles