Selfish Husband?

Bakit ganon may kagaya ko ba dito na parang walang pake sa paparating nyang anak? Wala syang iniisip kundi sarili nya? As in dedma lang sya. Tinatanong ko sya nakaisip na ba sya pangalan ni baby, wala wag daw sya pag isipin. Tapos pag gumagalaw si baby, wala parang wala syang narinig pag sinasabe ko sa kanya. Tapos parang di sya masaya. Tapos yung anak naman naming isa di din nya pinapansin. Parang wala syang interes puro sa sarili nyang luho lang pano mabibili ganito ganyan. May kagaya ko ba dito na ganyan din kawalang kwenta asawa? May trabaho. Pero di nya inisip na need namin makaipon. di pa nga kami nakakabayad ng bills. Tapos di pa sya pumasok. Katwiran nya nakakapagod daw trabaho nya. Haha ewan ko kawalang gana. #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

usap kayo mommy. unawain mo hanggang maaari pero wag mo hayaang paglipasan ka na ng panahon. kasal man kayo o hindi, hindi kasalanan na umalis sa toxic relationship. sa panahon natin ngayon, sa dami nang pwedeng mangyari, hindi tama na inaaksaya natin ang buhay natin kasama ang maling tao na puro sakit lang dulot sayo. hindi sapat ang pagmamahal sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon.isipin mo nalang kung ganyang tatay ang gusto mong kalakihan ng bunso mo. kasi yunh panganay mo, baka kuntento sya sa tatay niya dahil di niya alam na may pwede pa syang makuha na sobra sobrang pagmamahal sa iba.

Magbasa pa