Rashes?

Baka po may Alam kayo na ganito ?? Mababa nman po blood sugar ko pero halos ilang linggo na syng di gumagaling .. Sabi NG O.B ko inom daw ako antibiotic,rashes Lang daw. . sobrang Kati nya talaga .. tapos nag sasariwa sya pag kinamot ko ulit ...tuldok Lang sya dati sa binti ko hanggang lumaki na NG ganyan ..17 weeks preggy po ako sa 2nd baby ko at 30 yrs old na ako . .salamat po sa sasagot

Rashes?
17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

may gnyan ako mumsh mula nag buntis ako nangangati na yung binti ko, nag 3 mos ako ayon pinkish na pa red na pag kinamot lalo lumalaki.. gang nag 5 mos ako laki na tlga kakainis napakakati nya d mo matiis d makamot tlga, tapos gang kinontrol ko pag nangati, ina alcohol ko, o kaya sabon hinuhugasan ko, pag tinamad ako pumunta cr, tinatapik ko nalang instead of kamutin, ayun lumiit na sya kaso may mga panibago, banda na side ng paa ko, dati nmn walang kati don nung nakamot ko nagkaron dn :( jan sa gitnang part na clear na jan dati ung malaki as in. ngayun unti unti nlng pero kumakalat :'(

Magbasa pa
Post reply image

Ngkaganyan dn binti ko momsh 5months n tyan ko nun.butlig lng dn nung una pro hbang tumatagal lumalaki lalo n pgknakamot ko sarap nya kc kamutin kya nde ko mapigilan hnggang sa pbilog na cya n malaki sa binti ko tpos npansin ng byenan ko try ko daw pahiran ng katinko un tnry ko knabukasan nwla n pmumula nya tsaka pangangati,inalagaan ko lng pgpapahid ng katinko mga ilang araw lng nawala na.balik normal n ult balat ko.yan na cya ngaun sa pic ung prang my puti puti dyan ako ngkron nyan

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Nde ko na po npacheckup pro tgal nga dn bgo nwala.katinko lng pla ktapat

Ganyan din ako mommy 4 months kong tiniis. Sa binti ko at braso. Reseta ako ng OB ko NG ceradan soothing gel cya. Kaso Po pansamantala lang ung effect. D nya ako niresetahan NG antibiotics. Pinag try nya muna ako ng home remedies. Apple cider Po pahid ko, konti Lang ko sa cotton un Po apply ko. Mahapdi Po cya pero tiniis ko. Morning and evening lang Po. 1 week lang Po nawala n ung Kati, nag dry n Po cya.

Magbasa pa

nagkaganyan din akO momsh kaso sa paa. .nag search akO sa googLe kung bakit dahiL daw sa hormones at mga vitamins na nag trigger sa kidney tpOs tinigiL kO ung pag inOm ng vitamins kO 8mos tiyan kO. aun nawaLa siya.. kahit anO ginawa ko nun waLang epektO ayaw matanggaL.

5y ago

daLa lng siya ng hOrmOnes momsh.. akO tLaga di akO pinapatuLOg ng paa kO sa sobrang kati. .tpOs nung naLaman kO nagbasa2 akO sa googLe nag try kung tigiLan pag inOm ko ng vitamins kO.. aun nawaLa siya. napaisip din akO kasi di na akO nainOm ng vitamins so far prayers Lng tLaga Ok nMn kme ni baby. 38 weeks pa akO ngaun. sana maging Ok na din sau..

Hndi nman n sya mukhang simpleng rashes lng sis.. Tingin ko atopic dermatitis/eczema or skin allergy na yn eh.. Possible po tyo tubuan ng kung anu ano dhil sa hormonal imbalance natin while pregnant or after pregnancy.

Try niyo momsh calmoceptine na ointment di lang sure sa spelling hehehe . Ganyan din friend ko yan lang din pinalagay ko sa kanya , sa awa ng dios gumaling naman agad .

5y ago

Ahhh sg po .. try ko po para gumaling Lang .salamat po

Nagkaganyan din po ako nung pregnant ako till now na nanganak nako meron padin at patuloy na dumadami. Di ako makapag pacheck up kase naka quarantine 😢

5y ago

Huhu Ang Kati nya po sobra ... Sana nga po matapos na quarantine ..para malaman ko Kung ano po to .

Try po kau malunggay ung dahon dikdikin ninyo den ung ktas ipahid s sugat very effective po non mas mdlas much better hanggang s gumaling n po.

5y ago

Yes sis wla ng gastos jan very effective sa lahat ng klase ng sugat yan... ganyan lang gamit nmin dto turo ng matatanda

Parang hindi lang sia simpleng rashes mommy, parang skin disease ata, pa derma nio po momsh wag na pahiran ng kung ano ano baka kumalat pa 😰

5y ago

Opo sg po Sana matapos na Yung quarantine para ma pa check up ko na .. salamat po

may ganyan din ako mamsh pagkapanganak ko naman napakakati at masmakati kapag nagchange ng weather. sobra panget na skin konsa binti