Bago pa kami magkakilala ng hubby ko, "daddy" na ang nakasanayang tawag sa kaniya ng mga pamangkin niya tapos "mommy" naman dun sa sister-in-law ko. Ngayon na meron na kaming daughter, nag-iisip ako ng alternative names para samin ng anak namin. Ewan ko ba, pero may slight na sama ng loob sakin pag may kaparehas na tatawagin ang baby ko na mommy. Sabihin nang selfish, pero iba kasi ang feeling para sakin na first time mom. Syempre, gusto ko na ako lang ang mommy niya, ako lang yung tatawagin niya na ganun, though wala namang issue yun sa hubby ko. Hay. Feeling ko tuloy napakasama ng ugali ko.
Any suggestions po ng alternative names sa "mommy" at "daddy"? TIA.
P.S. Btw, 4 months pa lang po ang baby namin.