My Lucky Baby

#babyonthetaxi Gusto ko lang i share yung kakaibang experience ko sa panganganak sa ikalawang baby ko. Akala ko dati sa teleserye ko lang makikita yung ganitong mga pangyayari pero wag ka nangyari sa akin. Legit ito. Totoo! Story Time! Irregular mens kasi ako kaya di ko alam na buntis na pala ako sa second baby namin. 9 months palang ung panganay namin ng September 2020. Pero pagkaalam ko is di ako buntis kasi niregla ako ng December kaya ang bilang ko ng tiyan ko is 4 months palang ng April. That day, is sked ng ultrasound ko kaya naka leave ako sa work. At yes, kabuwanan ko na pala un at nag wwork pa ako tapos night shift pa. Morning mga 5 am ng April 28, nararamdaman ko na ung sakit at nagtataka ako kaya tumawag ako sa OB ko dahil sa maaga pa sabi ng OB ko is observe ko muna kasi di naman siya ung sobrang sakit tapos wala naman dugo or tubig na lumalabas sa akin kaya ako natulog ulit. 7am nun sabi ko kay Hubby ko need na ata natin pumunta ng ospital kasi iba na ung tigas niya medyo masakit na din. So ako nagbihis na, habang bumabyahe kami nararamdaman ko na parang natatae ako hahaha sabi ko pa bat parang may lalabas sa pipit ko. Haha Tapos sabi ni Hubby manganganak kana ata pigilan mo malapit na tayo sa ospital. Sumisigaw ako sa taxi na palabas na palabas na siya. Pati ung taxi driver sumigaw na din na ilabas mo na yan maam. Ayun hinubad ni hubby ung panty ko tapos napahawak ako sa may upuan at napa ire na ako. May 5 minutes pa bago kami nakarating sa ospital hawak hawak ni hubby ang anak namin sa taxi. Yes, legit nanganak ako sa loob ng taxi. Pagdating namin 4 na doktor agad ang sumalubong sa amin doon na sa loob ng taxi pinutol ung umbilical cord ni Baby at nilipat na ako sa isang room. Pero di pa din ako nawawalan ng malay nun. Tinititigan ko lang ung anak ko habang pinupunasan ng nurse. At dahil wala kaming dalang gamit niya, nag provide naman ang NICU ng isang pares ng damit niya. Naiiyak ako kasi malusog na baby girl ang nailabas ko at bilib ako kay Hubby kahit nniyerbos siya nailabas niya ung anak namin na naging doktor ko dat day. Naalala ko pa sabi niya, nakikita ko na ang ulo idiretso mo ng iire baka maipit kasi. Kaya mo yan. Kaya mo yan. Kakaibang experience man. She's turning 1 month tomorrow ang Baby Lexi ko. Medyo may katunog sa taxi kasi sa taxi siya nailabas. Pasalamat din ako sa taxi driver na tumulong sa amin hehe. #babylexi #strongbabygirl

My Lucky Baby
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

wow kinilabutan naman aku sa experience mo sis buti naman dika nahirapan umire kahit nsa taxi pa kau ,,congrats sayu and ur little one ang cute

4y ago

oo grabeng experience un sis.. so far naman maganda ang result ni baby ng new born screening. :) Thanks God talaga!

Congrats mommy! Kakaibang experience nga pero alam kong sobrang worth it lahat ng pinagdaanan mo. Blessings! ❤

4y ago

Sobrang worth it sis! Di niya ako masyadong pinahirapan basta siguro sabi niya lalabas na ako mommy bahala ka dyan! hahaha Thank you mamsh 😘

Super Mum

Congrats po mommy. Happy 1st month, baby! ❤

Super Mum

congrats! happt 1st month baby

VIP Member

nakakabilib naman mommy congrats po

4y ago

Kaya nga mamsh! Grabeng experience :) Thank you mamsh 😘

VIP Member

galing nmn mommy . hehe congrats po

4y ago

Thank you mamsh 😘😗magaling talaga tayong mga nanay 💪

wow congratss po 🥰🥰🥰🥰

galing 💙naman congrats po ...

4y ago

Thank you mamsh 😘❣️🎂🤩

Super Mum

congrats! happt 1st month baby!

4y ago

Thank you mamsh 😘❣️😁

VIP Member

Wow! congratulations Mommy