Milk preference

Hello! My baby is turning 6mos old this month. NESTOGEN po ang milk niya, iniisip ko po magpalit. Thou, healthy naman po sya and hindi naman sakitin. Gusto ko lang palitan kung meron mas healthy and mejo nagguilty ako na mura lang ang binibili namin na gatas para sakanya. Any suggestions po or wag ko na po palitan? Thank you

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yong baby ko s26 sya since birth tapos wala pang one month pinalitan kasi hindi hiyang... advise din ng pedia... try namin nestogen ok naman nauubos n nya milk nya..... una nafefeel ko yong ganyan.. dahil hindi ko n afford yong mamahalin milk ng baby ko dahil dumating sya kung kelang nasa gitna kami ng crisis.... mahirap naman kasi hindi consistent yong milk nya mamahalin tapos pag wala ng budget yong mura muna bibilhin.... now turning 10months n sya nestogen parin naman.... balak ko palitan ng enfamil or similac or bonna pero hindi ko n tinuloy lalo n ngayon lockdown pa.... ginawa ko nag ipon ako ng nestogen na milk nya kahit mag extend lockdown secured n may gatas anak ko . at lahat ng essentials nya....wipes, vitamins, diapers, etc.... hindi lang naman kasi sa gatas ang gastos madami p kaya kelangan bugetin ng maayos... papalitan ko nalang milk ng baby siguro pag 1 year n sya.... ngayon hindi n ako nahihiya kung mura gatas ng anak ko , kasi kahit mura hiyang naman sya.... yong s26 kung nahiyang sya kahit mahal gagawan tlga ng paraan.... if may pera at kaya naman bumili ng mas mahal ng gatas why not? lahat ng best para sa anak.... sabi ko nga sana anak sana noon k p dumating yong marami pang pera si mama.... naibigay ko n kasi lahat sa iba.... hindi ko naiisip na dadating k sa ginta ng crisis sa buhay ko.... hindi man kita napaghandaan pero alam ng DIYOS kung paano ako nagsumikap para mabuhay tayong dalawa..... payo ko lang sayo sis kung afford nyo naman na triple ang price ng milk compare sa nestogen go kayo kung saan mahihiyang baby nyo , hindi lang dahil na prepressure ka sa sasabihin ng ibang tao.... you know what is best for your child dahil ikaw ang ina๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘

Magbasa pa