Halak at sipon ni Baby

Hello my baby is now 7 months old and 10.25kg po sya. Nung Dec pinaalaga namin sa inlaws ko sa cagayan ang baby namin kase umalis na ung yaya namin. It was January n umuwi kami kase may sakit daw baby namin so dinala po namin sa Pedia at nakita nga po n infected na ung tenga nya dahil s sipon. Tpos po last Feb nag emergency uwi po ulit kami dahil may sakit daw po ulit and he was diagnosed with Pneumonia and confined to the hospital for 3 days. Kaya po nag decide kaming mag asawa na ibalik na sa manila baby namin after his medication. Kso prang hindi po sya gumaling galing ung unang pedia nya n nagsabi may pneumonia sya pinaxray po and sabi need ipa skin test baby nmin dhil prang may Primary complex daw po tpos nung pinatingin po nmin dito s pedia s manila sabi prang ndi maganda ung result ng xray isa pa prang nagduda sya doon s itsura ng xray so nagdecide po sya na ipaxray ulit at pinababalik kmi dpt ng march 20, (normal po result nung xray) kaso naabutan n po ng lock down but before lock down nagpacheck up po ulit kmi (sa ibang pedia kase po naka out of the country ung pedia namin) kase po inubo sya at sinipon n may plema kaso bakit prang ndi p rin po gumaling ung sipon nya, hindi po kase tumutulo tpos bago mag 6 am lang po lumalabas sipon nya pti ung ubo na ndi nmn malala tpos may tunog po na para po syang hinihika tpos po kapag mataas na ang araw nagiging ok naman po sya tpos magiging ganun n naman po kapag mag 6 n nmn po ng hapon take note po malakas po kumain at mag milk at sobrang galaw po ng baby namin at malaro kaya pra pong wala syang nararamdaman kaso worried p rin po aq lalo nat naka ECQ p rin po tau. Sana po matulungan nyo aq ano pwede gawin. Sana din po mayron kaung marecommend sa akin n pedia na pulmonologist ang specialization within qc or rizal area po. Salamat po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Try mo Po dalin sa pcmc or NCH.. sa NCH si dra. Dizon magaling ska mabait din.