rashes (1st time mommy)

My baby is 5 months old. Hindi siya nawawalan ng rashes. Especially sa my private part niya. Pano ba mawawala ang rashes. Kase nagdradrapolene cream na siya and then nawawala naman pero bumabalik parin. Pls help.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagkaka rashes ang skin dahil basa pa ilalagay agad ang diaper. Need po muna patuyuin balat at pahanginan. Advisable po mag lampin muna. If diaper dapat maximum 3-4hrs lang or kapag puno na then palit na,wag ibabad,patuyuin ulit skin before i tape.. Wag po gagamit ng petroleum mainit yun sa balat. Pag mapula na pwede na pahiran ng cream para di lumala, use cotton at water pinakamild sa lahat not wipes dahil yun ang natural. I use sudocrem po never nagkarashes baby ko sa pwet/private area, saka nilalagay ko kapag medyo mapula lng konti☺️

Magbasa pa
5y ago

Thank you sa advice. Gagawin ko yan.

Ipahinga nio po sya sa diaper. Try lampin muna or cloth diaper po. Change brand din kng d hiyang c baby dun. Wag maglalagay ng powder muna, palit muna ng pinka mild na sabon. Wag muna mag wipes. Use cotton and water instead

5y ago

Ok thank you po ng marame. 😊

VIP Member

Use warm water, mild soap and cotton sa pag wash. Patuyuin muna po bago suotan ng bagong diaper at use petroleum jelly po. Palit ng diaper every 3-4 hrs. Ipahinga din po sa pag suot ng diaper paminsan minsan.

Bago po lagyan ng diaper dapat po tuyo yung balat nya, ako po pinapahanginan ko muna para matuyo at sa umaga cloth diaper po gamit kay lo

Try niyo po Vaseline petroleum jelly ☺️