Fill in the blanks! (for Php 1,000 Puregold GC)

Anu-ano ang kakayahan ng isang babae? I-share na sa amin at manalo ng Php 1,000 worth of Puregold GC! Para sumali, sundin lamang ang mga steps na ito: 1. Pumunta sa https://community.theasianparent.com/contest/fill-in-the-blanks-for-php-1000-puregold-gc/413 at click “Participate”. 2. Bumalik sa post na ito at huwag kalimutang isama ang “#StrongGirl[your name]” sa bawat comment. 3. Ang pinaka maraming comment sa post ang mananalo ng Puregold giftcard. 4. Kailangang iba-iba ang sagot mo sa bawat comment 5. Isang hashtag lamang ang gamitin sa lahat ng comment. Submission of answers end on March 6, 12 am.

Fill in the blanks! (for Php 1,000 Puregold GC)
7700 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Babae ako , kaya kong gumawa ng gawain bahay kahit alaga ko ang anak ko magisa , kaya kong pagsabayin ang pagaalaga at pagaayos sa bahay para lang malinis ang paglalaruan nya. Malinis ang pagkakainan nya. At higit sa lahat malinis ang tutulugan nya para iwas sa sakit . #StrongGirlReynalen

Babae ako at kaya kong maging mabuting anak sa aking mga magulang, kaya kong maging mabuting kinakasama ng aking asawa, kaya kong isang mabuting tao para sa aking mga kaibigan at lalo na't kaya kong maging isang mabuting nanay sa aking magiging anak. ♥️ #StrongGirlKathlyn

Kaya kong isakripisyo ang sarili kong kilagayahan para lang sa mga anak ko . Kaya kong hindi bumili ng bagong gamit mabili ko lang pangangailangan ng anak ko . Kaya kong mapalayo sakanila para mag trabaho sa ibang lugar mabigay lang ang pangangailangan nila . #StrongGirlCheene

Marami-rami ang kakayahan ng isang babae. Katulad na lamang ng pagiging ama sa iyong anak, sinusubukang lumaban sa agos ng buhay, hinaharap lahat ng pagsubok. At higit sa lahat kayang akuin lahat ng responsibilidad para sa pamilya. Kaya natin to! #StrongGirlRivaSuarez

Ako ay babae at ang kaya kong gawin bilang isang babae ay mahalin ang mga anak at pamilya. Kaya ko rin palakihin ang aking mga anak kahit walang silang tatay. Kaya kong bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak ko. Proud mama here 👋😇 GodBless #STRONGGIRLJONALYNLOPEZ

VIP Member

Babae ako at kaya kong Manahi ng damit para sa pamilya ko, Kaya ko manahi ng magagandang cross-stitch para sa munting tahanan namin, Kaya kong manahi ng sapin ng sofa para hindi ito mabilis maluma, Kaya kong manahi ng sapin para sa higaan ng pamilya ko. #StrongGirlBritney

Magbasa pa

Babae ako at kaya kong magbenta ng ibat ibang bagay para maitaguyod ang aking mga anak. Magtinda ng mga damit, make up, pabango, pagkain. Hindi ako mhihiya dahil marangal naman na trbho iyon para matustusan ang pangangailangan ng aking pamilya. #StrongGirlAnaSheila

VIP Member

Babae ako at kaya kong gawin ang lahat para sa anak at sa pamilya ko. Kaya kong maging isang ama at the same time ina sa anak ko, kung ano ang kayang gawin ng asawa ko kaya ko ding gawin dahil ang isang ina gagawin ang lahat para sa pamilya #StrongGirlJoannah

Babae ako at kaya kong magkaroon ng mahabang pasensya para sa mga taong naninira sa akin. Mga taong nagbibigay problema sa aking pamilya. Ako ang magbibigay lakas sa aking mga anak.Kaya kong magpakahinahon sa mga bagay na walang ktuturan. #StrongGirlAnaSheila

Babae ako , kaya kong palakihin ng malusog , maayos , at may takot sa diyos ang anak ko . Gagawin ko ang lahat para hndi sya lumaking walang takot sa diyos at gagawin ko ang lahat para magkaroon sya ng maayos na buhay sa piling ko . #StrongGirlReynalen