SHARE KO LANG

So ayun, nasa slimmer side ako kaya maliit lang ako magbuntis, yun din sabi ng OB ko pero very normal naman sa weight and measurement ang baby ko sa loob. Tapos tong mga kamag anak ko panay puna sa akin na magpahilot nga daw kasi ang liit daw ng tiyan ko para daw lumaki, kasi lalaki daw pag hinihilot, eh ayaw ko nga ilang beses ko na sinabi na ayaw ko magpahilot kung gusto nila sila nalang magpahilot! Tapos bigla ako sinabhan na sure ka na tama ang timbang nyan sa loob kasi ang liit ng tiyan mo, ayaw mo magpahilot para magshape ang tiyan mo at mapwesto yang bata sa loob, pinakita ko nga lahat ng ultrasound ko tapos sabi ko bakit may ultrasound ba yang manghihilot nyo para masukat ang anak ko sa loob para sabhn niyong mas alam ng manghihilot na tama timbang ng baby ko tsaka di na need ipostion kasi nasa baba lagi ulo ng baby ko every check up ko ano pa ipoposition ng manghihilot niyo. Inis ako mapilit tlga sabing ayaw eh! HHAAHHA WALA LANG AKO MASABIHAN KAYA DITO AKO NAGSHARE. TRIGGERED AKO TALAGA EH! May ganto dn ba kayong relatives? Kung maka decision naman tlga kala mo naman sila ung nagbubuntis. Wala ako against sa mga nagpapahilot pero may free will naman tayo kung gusto natn o hndi, nakakaloka! 😂 #firsttimemom #firstbaby #justsharing #30weeks #FTM

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply