Mareng Tess: Nabaliw ka na ba dahil sa love?

So, ayun na nga! Wednesday ngayon. You know the drill, mga sismarz! 😜 Chikahan time na with Mareng Tess from L.A (Lower Antipolo) 🍡 #TAPAfterDark Para sa ating golden questionism ngayong gabi...πŸ‘„

Mareng Tess: Nabaliw ka na ba dahil sa love?
38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May prinsipyo akong babae. Nagsimula ako magboyfriend nung 20 na pagkagraduate ko ng college. Nakikipaghiwalay agad ako kapag sex na hinihingi kasi para sa akin sa mapapangasawa ko lang iyon ibibigay. etong guy na nakilala ko honestly hindi ko siya gusto that time iba kasi crush ko. nafall lang ako sa guy na ito kasi super bait, walang bisyo etc then nung nagkaalaman na nga kami ng feelings umiwas siya sa akin inalam ko kung bakit then ugali nga yung issues eh parang love ko na hanggang sa sige go. dumating yung point na may nangyari at ugali pa din issue kaya naghigpit ako dahil sa di ko matanggap yun. naging suicidal ako kasi pati magulang niya nakikielam. ayun awa naman ng Diyos asawa ko na siya at ngayon siya na yung mahal na mahal ako. natuto kasi akong alagaan sarili ko naging lagi akong nakadepensa para sa akin. pinagbabayaran din niya mga pagkakamali at pagkukulang niya ngayon kahit magulang niya kaya niyang talikuran kapag sinabi ko.

Magbasa pa

napadaan ako sa bubong ng husband ko nung mag gf and bf pa lang kame and sobrang babaero siya that time suicidal thoughts on na talaga ako at nag laslas ako kase feeling ko wakas na lahat, ultimo parents ko di ko pinapakinggan pati mga nakapaligid sakin, sakit na sakit ako sa mga nangyayare sami. nuon sobrang toxic ng relationship namin may Saturdays and Sundays na di siya umuuwi umiinom siya sa ibang lugar siyemre live-in na kame ang jirap maging shunga sis! And now kasal na kame natiis ko lahat at nakikita ko pagbabago niya we have 1 baby boy 😍❀️

Magbasa pa

I was engaged to my ex before. Ako yung umuuwi ng province para lang magkasama kami. Then nung nakipaghiwalay sya saken, I was really lost. I even called my mom to thank her and say goodbye. Suicidal na ako that time kase I was really hurt, ni hindi na ako kumakain and wala ng halaga pa buhay ko. Nagmadaling pumunta dito ang mama ko kase kahit mga kapatid ko hindi ko na pinakikinggan mga payo nila saken. They helped me to move on. Pag naaalala ko yun natatawa na lang ako, baliw lang talaga ako that time.

Magbasa pa

yes. super nainlove sa asawa ko! i have to be anonymous. mejo wild kasi. i cut classes nung college ako. nagbabaon ako ng pang alis para di halata na pupunta sa bf ko. imagine travelling from manila to silang cavite. ang bus ko pa nun ung ordinary bus para tipid. pupunta sakanila para makipag sex at syempre para makita sya. then uwi na ng 6pm. kasi 2hours byahe pauwi ng manila. asawa ko na sya ngayon. wala ng ldr. we have 2 kids na din

Magbasa pa

parang wala akong ginawang ibang kabaliwan kundi ang umiwas sa mga lalaki kasi nawalan ako ng amor sa mga lalaki then,nagkaroon ako ng gf(bf) na lesbian. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ and dina ako ngkaroon ng gustong guy that time until nahuli ko p rin siya n nagloloko na pala ayun balik-loob n ulit and now i am happily married with a 6month old baby. 😊

Magbasa pa

while bf-gf pa kami ni hubby. siguro 3mos plang kami. Bumayahe ako for 2andΒ½ hrs para lang makita sya. Nag check in kami sa hotel. tumakas din lang sya sa work nya and nagbyahe ng 1hr din. hehehe first time ko yun ginawa ever. haha nag sinungaling pa ako sa pinsan ko na may conference ako then balik din ako kinabukasan. haha

Magbasa pa

Ang pumasok sa bahay na dumadaan sa bintana... hindi kasi pwedeng makita ng madla kasi student pa lang sya noon at teacher naman ako... almost 2 years kaming ganoon... nakakatrill.. lang yung mga patakas na sandali... 2 years din yun ganoong set up and now 1 year na kaming mag-asawa. 😍😍😍

Un HND AKO UN... I change myself to be better to him... un hnd na ako un taong un .. pumunta sa gym magpapayat.. gumising ng umaga para magjogging .. starve myself ...to be sexy at maging better sa knya...pag inaalala ko un .. un ang pinakabaliw n ginwa ko sa buong buhay ko..

Noong college ako, nagpaalam ako sa Mommy ko na magcocommunity service kami ng buong klase, pero ang totoo niyan is magpupunta kami ng boyfriend ko (my husband) and other friends sa Enchanted Kingdom. At ginabi pa kami dahil traffic kunwari sa Expressway. πŸ˜ƒ

nakipaglwentuhan kay crush ng walang tulugan kasama pinsan at kapatid ko habang wala parents ko, I was in high school back then. πŸ˜‚ nung College birthday lang ni crush ako present, namiss ko mga birthdays ng barkada pero sa bday ni crush present ako..