Ayaw ni midwife tanggalin. Sa mismong expiration nalang daw. which is sa April naman na. Gusto ko sana na matanggal ito para naman gumaan pakiramdam ko. Kasi talagang grabe na moodswings ko. At kung ano anong masakit sakin 🤣 And nung nilagay nya ito, sabi nya anytime na gusto ko ipatanggal pwede. Tapos kanina, "sino daw nagsabi?" "nagtatanggal lang daw sila pag expire na" patay malisya.. and it's my body, dapat pag gusto ko na tanggalin, dapat pede tanggalin, besides, halos 4 months nalang naman, yung sa iba naman kapag pinatanggal nila, tinatanggal naman, may bayad lang. akin naman nung ikinabit , binayaran ko din naman, hindi naman libre although sa baranggay center ako nagpalagay. sa midwife roon. Ang akin lang, sinabi naman nya na pag gusto ko na ipatanggal pwede, tapos ngayon parang di sya nagsabi ng ganun. Kainis lang.