We love you and we will miss you Baby

Augusthina Kylie T. Delos Reyes 😇❤ August 30,2020 konsya pinanganak at namatay sya ng September 7,2020. Sobrang sakit hanggang ngayon mahal na mahal namin ang anak namin. Halos mabaliw ako sa kakaiyak dahil wala na ang pinakamamahal kung anak. First baby namin sya. Uuwi na sana kame ng province inaantay na lang na abutin sya ng 4 months para mabyahe namin pauli sa probinsya. Pero ngayon mae uuwi na lang namin sya na Abo na 😭😭😭😭. Sobrang sakit. Dahil nung una nalaman ko na nagbubuntis ako sobrang saya namin lahat kame pati jga pamilya namin ng asawa ko. Kaya sobrang sakit sa amin nawala ang anak ko. Kaya nagbabasa ako dito nasasaktan ako na my namamatay na mga baby 😭😭😭 pinagdadasal ko na sana wala ng mga baby ang mamatay at gabayan nawa ng Panginoong Hesus ang mga nagbubuntis ngayon at ang mga baby na e layo sa mga sakit at mabuhay ng matagal. Dqhil sobrnag sakit mawalan ng anak..#firstbaby #babyfirst #1stimemom #theasianparentph #pregnancy #bantusharing

We love you and we will miss you Baby
134 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Napakahirap talagang mamatayan ng mahal sa buhay. Lalo nat anak mo sya. Ang kamatayan ay kaaway naten ayaw din ito ng Diyos, at bahagi ito ng di kasakdalan ng tao. Pero may pangako ang Diyos na nakaulat sa Bibliya. Mabubuhay ang mga namatay nateng mga mahal sa buhay. Gawa 24:15 At umaasa ako, gaya rin ng mga taong ito, na bubuhaying muli ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid. Juan 5:28, 29 28Huwag kayong mamangha rito, dahil darating ang panahon na ang lahat ng nasa mga libingan ay makaririnig sa tinig niya29at mabubuhay silang muli. Ang mga gumawa ng mabubuting bagay ay mabubuhay magpakailanman, pero ang mga gumawa ng masasamang bagay ay hahatulan. Kaya makikita mo pa siya sa Paraisong lupa. Yan ang pag asang tunay na pinanghahawakan ko rin dahil nawala din ang panganay ko. 😊

Magbasa pa
Related Articles