12 weeks pregnant
Ask lang po, Totoo po ba na bawal laging uminom ng malamig na inumin kasi lumalaki raw si baby? hnd po kasi ako nakakainom ng hnd malamig ngayon. pero nung di ako buntis hnd po ako mahilig sa malamig. any advice po? #Needadvice #firsttimemom #sharing #advicepls

hnd po nakakalaki ng baby ang malamig na tubig as per OB. ang nakakalaki dw po is ung mga matatamis. as long as sanay ka uminom malamig na water go lng.
Depende po kung may GDM ka bawal malamig na tubig nakaka spike ng sugar pero sa mga normal pregnancy pwede as long as walang juice plain water lang.
Pwede pa yan mie 12weeks ka palang naman hahaha pag 32 weeks kana bawasan mona lalo na din ang rice baka magaya ka sakin hahah hirap pag anak
hnd po bawal mi. ung ob ko pa nga nagsabi na pede basta plain water na malamig. ang nakakalaki ay ung mga sweetened or softdrinks
Nung 1st tri ko puro malamig tubig kasi may lasa saken pag normal lang na tubig. and inask ko naman sya sa ob ko okay lang naman.
yung malamig na water hindi po bawal, bawal po na malalamig ung mga juice, soda, ice cream mga sweets na malamig un po ang bawal
Okay lng po cold water. Wag lang yung sweet drinks like softdrinks, milktea, iced tea etc. Nkakalaki po mga matatamis talaga.
Hindi po bawal mommy, lalo na satin mas nag cacrave tayo sa malamig pampawala na din ng nausea. and pamparefresh ☺️
wag ka maniwala mii ako 7weeks palang kahit madaling araw malamig na tubig talaga ang hanap ko
hindi po totoo yun kasi tubig lng yun at walang calories ang water kaya safe po!!