14 Replies
Biogesic lang po pwede inumin. Pwede ka uminom ng vit c saka sodium ascorbate with zinc. Ako sodium ascorbate with zinc iniinom ko until now. Hindi lumala sipon ko nung uminom na ko nun. pag sinabi niyo po sa ob niyo na may ubo kayo, sabihin po sa inyo magpa antigen test kayo.. karamihan po ngayon may ubo, sipon, lagnat, lbm, and headache.
consult ur OB po kasi depende sa wks yata na preggy ka, sa case ko po nung inubo ako, di nag susubside after a wk kahit more water intake ako, vitC and calamansi juice. nung nagpa consult po ako, di nya ko niresetahan ng gamot sa ubo, nasal spray lang tska fluimucil lang binigay skn.
try mo po luyamansi. pitpit ka lang ng luya at pigaan ng kalamansi, tas mainit na tubig. ganan lang po ginawa ko nung inubo at sipon ako this week lang bukod sa advise ng midwife sa center namin na more water at vit c. Praying na gumaling ka po agad 🙏
Magpacheck up ka po sa Ob nyo, para maresetahan ka po ng pang ubo. Ganun po kasi ginawa ko, online consultation, niresetahan nya ko ng gamot sa ubo, pero di ko po nainom, gumaling naman po ubo ko sa warm water na may kalamansi and lemon.
Calamansin o lemon. Sipsipin mo sila tiisin nlang ung asim 3 days wala n yan. Kung naguumpisa palang ang sipon and ubo mo. Tested ko na nun 6 weeks preggy. Mayat maya mo sila sipsipin. 😊
Try nyo po muna sa OB mo kung anong pwedeng medicine ang dapat mo itake pero for the preggy, mas okay kung home remedies lang muna.
If unbearable na po yung ubo niyo need niyo na po pa check up momsh. If kaya kaya pa naman Warm water with Lemon and Honey po.
sis try mo po honey at lemon lagyan ng mainit na tubig yun po inomin mo kaysa sa gamot po .effective po yan sis
kalamansi juice mommy twice a day wala yang ubo mo 3-4days yan din iniinom ko 🙂
nagkaubo sipon at lagnat ako, once lng ako uminom ng biogesic okay na