Worried Mommy

Ask kulang po kasi 21 weeks na po ako pero diko po masyado ramdam si baby pero minsan sa may bandang puson matagal siya naglilikot nagwoworry po ako normal lang po bang ganun? First time Mom po ako.😭#1stimemom #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

Worried Mommy
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

try niyo po mag sounds ng baby rhymes tapos itapat niyo po may bandang tyan nyo. Madalas gumagalaw sila kapag may naririnig silang sounds or may lights.

3y ago

kapag nasa 7-8months mas mararamdaman nio na po kasi lumiliit na space nilang ginagalawan sa loob. Bsta pray lang po palagi at kausapin niyo din po si baby palagi. Mag doppler din po kayo para marinig din niyo heartbeat ni baby

Try niyo po kain matamis pero po huwag sobrahan kumain ng matamis. Kasi nagalaw daw po ang baby kapag gutom na o kaya kumain ng matamis.

sa panganay ko hindi sya magalaw. boy sya 6months na pasipa sipa palang, compare sa bunso ko babae sobra galaw. 3months palang sa tummy ko

3y ago

Thankyou po nagwoworry po talaga ako kasi po 1st Baby ko po 😔

try mo po kain chocolate or mag inom ng malamig na tubig :) Ganyan po ginagawa ko dati pag di ko ramdam likot ni baby.

VIP Member

ako sis hanggang mka anak ako minsan magalaw c baby minsan hindi,minsan nga d nkikita heart beat nya sa dopler.

Normal naman yan. Mas mararamdaman mo pag malaki na around 25 weeks and up

ayos lng po yan as long na kada check up mo ay normal ung heartbeat ni baby

gumalaw lang sya nung malapit nako manganak. 7months ko sya pinanganak.

Mommy bka nasa Anterior c baby mo kaya hindi mo masyado feel c baby.

same po tayo hindi kopa posya nararamdaman po

Related Articles