Bawal na pagtulog sa hapon kapag third trimester, totoo ba o pamahiin lang?

Hi ask ko lang po sana kung pwede pa ba matulog ang 7 months pregnant sa hapon. Antok na antok kase ako sa hapon dahil nabibitin ng tulog sa gabi. Pahingi naman ng advice kung pamahiin ba na bawal o talagang dapat na hindi matulog #FirstTimeMom #advicepls #firstbaby

Bawal na pagtulog sa hapon kapag third trimester, totoo ba o pamahiin lang?GIF
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I never heard of that. So I guess umiikot lang ang kasabihan na yan locally. Bakit daw masama? Ako kasi nong buntis ako I pamperer myself with sleep kasi alam ko after ko manganak luxury na ang tulog. 😂😅 But of course mommy, balance pa rin dapat ang lifestyle mo baka kaya bawal kasi nagiging sedentary ang lifestyle mo while pregnant.

Magbasa pa
3y ago

Yun nga po ang inaalala ko yung lifestyle ko during this time na preggy ako. Bawas sa kanin tsaka po bawal na din sa mga unhealthy food, pero thank you po sa advice medyo natakot lang po kase ako dun sa sinabi nila sakin na pag natulog ako sa hapon e baka di na gumalaw baby ko. First baby ko pa naman to. ☺️

Alam ko din yan, kaya lang naman daw binabawalan magsleep kasi nakakataba daw un😅. Nung first born ko tulog galore ako kaya super lumaki ako hahaha ngayung pangalawa di na ako natutulog kasi sumasakit naman yung katawan ko pag nakakatulog ako sa hapon. Hehehehe wala naman yan kasabihan lang yan depende sayo if tutulog ka or hindi mommy :)

Magbasa pa
3y ago

Kaya po pala todo din ang bawal sakin ng kanina at tulog dahil sa weight ko. Hirap na po kase matulog sa gabi lalo na malikot na si baby sa tiyan ko. Salamat po sa Advice.☺️

huh di naman totoo ako nga nun last yr ma buntis pa panay tulog ko hapon eh..ngayong kasama ko na si baby normal naman lahat at healthy naman sya.. hay naku girl lubos lubosin mo na matulog ng matulog pag namdyan na baby mo ay ewan lang kung di ka humiling na kahit 3hrs manlang okay na basta straight ang tulog..

Magbasa pa
3y ago

Hehe pigil pigil na nga po ako ng tulog kase natakot ako sa sinabi nila sakin na baka daw di na gumalaw si baby sa tiyan ko. Salamat po sa advice☺️

VIP Member

pamahiin lang wag ka maniwala sis lalo ftm ka nako itulog mo na lahat yan ako kung may chance lang ibalik mtutulog pa ako non pero dina pwede ngayon almost 24/7 gising ako dahil may newborn ako lalo kung breastfeed ka walang tulugan yan sa first month nya

3y ago

Congrats po sa ating mga nanay. Nagawa nating mag sacrifice ng tulog para sa ating mga baby. Natakot lang po kase ako dun sa pamahiin ng mga nakakatanda kaya humingi na ako ng mga advice sa inyo. thank you po sa advice☺️

VIP Member

kaya lang naman ata binabawalan kasi lalo ka magamanas i think para un sa mga nag ge gain lalo ng weight, pero need talaga ng mga buntis ung sleep kasi need nila ng lakas para sa panganganak ee ..

3y ago

Baka po iba iba tayong mga mommies habang nagbubuntis pero i'll make sure na limit lang ang tulog ko. Thank you po ulit☺️

VIP Member

natutulog ako lagi sa hapon ngayong preggy ako pero di naman ako tumataba and sakto din timbang ni baby

3y ago

Sana po ako din ganyan. Nung nag pa timbang po ako sa unang check up ko tumaas sya ng pito sa weight ko, then nung mga sumunod na buwan po tumaas pa din kaya natakot ako na baka bawal matulog sa hapon even though, antok na antok man ako sige pa rin sa pag pigil. HUHUHUHU thank you po sa advice ma'am☺️

VIP Member

hanggang manganak ako panay tulog ako. matulog ka ng matulog pag nanganak ka na wala ka ng tulog 🤣

3y ago

HAHAHAHA mukha nga pong mapapalaban ako nito sa puyatan. Salamat po sa advice atlis nabawas pangamba ko. ☺️

VIP Member

Hi. Matulog ka. Lalo na kung kulang tulog mo sa gabi. Pamahiin lang yan.

3y ago

Kaya po may OB tayo, hindi lang para i-check si baby kundi para answerin din yung mga questions natin lalo na kung nagko-contradict sa pamahiin 😊

VIP Member

kung anu po nararamdaman mo sundin mo po please po

3y ago

Thank you po. Sa ngayon antok po talaga nararamdaman ko at gustong gusto ko na po matulog sa hapon since kulang na kulang tulog ko sa gabi. Maaga pa akong natayo para maglakad sa umaga. Salamat po sa advice ma'am☺️

VIP Member

myth lang mommy