Breastfeed para kay baby

Ask ko lang po sa mga mommy’s jan na nagpabreastfed kay baby, sobrang sakit ba tlaga sa una? Any tips po balak ko kasi pa breastfeed. #firsttimemom #33Weeks3day #teamOCTOBER2022

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yep masakit sa first 2 weeks (for me) expect the worst. Parang tinutuklap yung balat ng nipples mo tuwint sumisipsip si baby, Usually feeding time nila takes 30mins. Dumating sa point na halos walang madede sakin si baby (Umihi ng may kasamang dugo) kasi inverted yung right nips ko tapos yung left nips sobrang bugbog na sa kakasipsip nya na di ko kinakaya yung sakin so we decided na magpump at bottled fed si baby until yung nips ko nagheal. Ayun ngayon oks na kame. Proper latching rin at habaan ang pasensya since masakit at iiyak si baby palagi.

Magbasa pa

sa first week ko, ganyan din po ako. buti nlang I had a nipple nurse cream. sobrang laking tulong po para mag-cure agad yung mga sugat. masakit din po pag mali po pagkaka-latch ni baby. tiyaga lng po talaga, tulungan c baby pano mag-latch ng tama. hot compress din pag napondo yung milk sa breast mo. sabayan nyo lng din po ng pag-pump. eventually, magiging ok din tsaka sobrang ganda po talaga sa feeling pag breastfeed c baby 🥰🥰

Magbasa pa

Sa akin mommy never sumakit sa pagdede si baby nung newborn ngayon lang na 6mos na siya kasi nangangagat😆 nagngingipin na saka ako nagkasugat sa nip.. Tamang latch lang po talaga mii at isa din sa factor masakit magdede possible meron tongue tie/ liptie icheck din naman ni pedia yun. Sali ka sa mga breastfeeding groups sa fb para bago ka manganak may alam ka na sa mga dapat mo gawin😊

Magbasa pa

masakit kase minsan mali pag papalatch natin sknya kaya nagsusugat pero pag nasanay na masarap sa pakiramdam lalo pag nagdidikit kayo ni lo .. ganyan ako nun nagsugat pero tiniis ko inapplyan ko lang ng nipple nurse after niya magdede para malessen yung pain at matuyo ang sugat .. 🙋‍♀️

Post reply image

opo sobra sakit talaga lalo na pag di kapa nilalabasan ng gatas more on mainit na sabaw talaga para lumabas. ang ginawa ko nag pahilot ako sa likod para lumabas yung nipples ko at gatas. nakatago kasi siya sobra sakit. 2weeks ako naiyak kasi nagsusugat talaga pag dumede si baby

Magbasa pa

Sa una po masakit. Basta yung sakin tinanggal ko yung puti2 sa nipple ko and then lumabas na yung milk ko. Hindi ko pinadede kay baby kasi masakit. Masusugatan yung nipple ko. Kaya ang ginawa ko nilinisan ko yung nipple ko at tinanggal yung puti2 hehe tips lang

VIP Member

Hello. magsusugat ng konti ang nipple at first pero hindi naman sobra at hindi naman sobrang sakit. Masakit lang kapag hindi nadede ni baby ang breast kasi naiipon yung milk. Pero fulfilling mag breastfeed.

masakit sya mommy. maganda na maisubo ng buo ni baby ang nipple mo para malessen yunh sakit. eventually, masasanay ka na lang din sa sakit. used tiny buds nipple cream. sobrang nakatulong sya sakin.

Maraming salamat po sainyong lahat lalo na sa time na mgshare at bgyan ako ng tips 😊 34weeks na po si baby today. Planning to breasfeed po. #TeamOctober

yes mi sobrang sakit. yung sakin nag peel and crack crack pa yung nipples ko. pero tiisin mo mi para kay baby and para maka tipid din