Health Card

ask ko lang po mga mommies. may nakatry na po ba gumamit ng HMO nila or Health Card sa office pag manganganak? ma cover po kaya yun pag yung card yung ginamit?

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa amin din po hindi covered ang panganganak. Checkup lang po talaga. Ang alam ko pwede lang magreimburse sa kanila pagkapanganak. Maxicare po kami.

Depende po kung anong klaseng health card. Samin kasi maxicare, may icocover syang 20k sa bill sa hospital kapag normal delivery tapos 25k pag cs

VIP Member

Call mo po hmo mo to verify your covered services, in my case, sa maxicare namen, prenatal check up lang covered.

VIP Member

Yung akin momsh di aya covered for check up pwede pero sa maternity di sya covered.

Hi mommy, you can ask your HR manager regarding the inclusions of your HMO.

VIP Member

Ung HMO ko di covered. Pero may certain times na pwede ung OB consultation

Depende po yun mamsh if covered ng health card nyo ang maternity

Hindi covered ng maxicare ko ung panganganak, check up lang

5y ago

Buti ka pa sis, inoofer ata yan ng maxicare pag may 20++ na female employee, kulang kasi kami.

Opo,ako wla gastos lahat mula check up till manganak🤗

5y ago

Sa company po yan sis...

Most HMO hndi covered ang delivery e, prenatal lng.