90 Replies
not true, sa 1st baby ko andami nagsasabi na girl daw magiging gender nya kac blooming daw ako at bumagay sakin nung mejo tumaba ako, di din ako nun tinubuan ng mga pimples..at walang nangitim sakin,kea akala talaga namin girl, but ang ending baby boy palA..ngayon po preggy ulit ako 6mons.na kabaligtaran naman ngayon, cnasav nila pumangit daw ako, nagka.pimples din ako at umiitim kili.kili ko.. next month pa ako magpapa.ultrasound.. hula nila boy daw.. hahaha😅
Depende mommy.. Kc ngyon baby girl anak ko pero ang daming nag iba sa hitsura ko at Madami akong pimples at iba hugis NG katawan ko.. Malaki pinag iba ung nag buntis ako NG sa panganak ko.. Blooming ako dun pero boy baby ko.. Pero ngyon para na akong temang sa hitsura ko.. Kya Depende lng po sa mga nag bubuntis mommy...
Ako kabaligtaran hehe baby girl ang baby pero ang pangit q. umiitim aq taz marami nagsasabi na pumangit dw aq hehe hndi nila cinabi sakin nong buntis aq na pumangit aq hehe. nong nailabas q na c baby saka nla sinabi kahit ate q at ngsabi na pumangit ako. hehehe alam ko kahit d nla sabihin nakita q na nman mukha q sa salamin
Wala po sa looks yun mommy, or kahit nga sa cravings! Sabi nila pag nag crave ka daw sa salty or sour foods boy daw eh bakit ako sa panganay ko puro sweets baby boy naman, tapos now preggy din ako panay sweets din baby girl, halos same lang sakin kaya di ako naniniwala sa ganyan myths lang po yan
not true.. sa panganay ko blooming din ako lahat nga cla sa bahay ang hula babae.. pero lumabas boy.. ngayon po 7mons.preggy ako sa 2nd baby ko, pumangit talaga ako, lumabas mga pimples tsaka umitim leeg ko at kili.kili, hula naman nila lalake daw ulit,.kakapa.ultrasound ko lng and its a girl..😊
no po. sa 2nd baby ko, lahat sinasabi nila na girl ang anak ko.. pero malakas ang pananalig ko na boy khit blooming ako. hahahhahaha.. so ayun.. tama nmn din ako na boy. sabi pa nga nila, baka mali daw ang utz ko. pero hndi eh.. boy tlga.
baliktad din sa akin.. nung nagbuntis ako sa panganay ko marami nagsasabi na babae daw iaanak ko kase blooming daw.. pero pagkaultrasound lalaki... ngaun naman hagard at tinubuan ako maraming pimples pero babae po baby ko... 😊😊😊
Kapag nagbloom ang mother, baby boy ang dala nya kasi wala syang kaagaw sa female hormones. Kapag baby girl naman, may kaagaw ka sa female hormones ng katawan mo so ang tendency, nawawala ang blooming feels mo.. Sana makatulong.
not true mommy.. ako sobra panget ko at itim ko haha tamad na tamad din me mag ayos kasi kahit anong ayos ko panget ko parin baby girl akin. lahat sinasabi na parang lalaki kasi sobra nag iba ung color at itsura ko😅
hahaha ako din mamsh nung first and second trimester ko blooming ako kaya sinasabi nila na girl si baby. nung pa akyat na ng third trimester biglang nag bago itsura ko nangitim na sobrang taba 😅 baby boy yung akin