60 Replies

Ako po 38 weeks and 3 days na due date ko na sa Dec 18 pero no sign of labor paden po ako mauubos ko na po yung dalawang banig na binigay ng midwife sakin na primrose pero wala padin po :( sabi po kse ng nagultrasound sken dapat daw before due date ko manganak nako kasi ang laki na ni baby sa loob. Pahelp naman po kung ano pa need gawin po. Nainom naden po ako lagi pineapple juice and fresh pineapple. Naglalkad lakad at nagsquat nden po ako panik panaog nden po sa hagdan pero parang ang taas padin ng tyan ko. Pahelp naman po. Salamat

Sa akin effective ang insert lang 39 weeks n ako nun, 2 pcs. 3x a day, start ako ng 12pm then 8pm and 10am the next day, bandang lunch humihilab na tyan ko at may bloody show na kada mag weewee ako.. 4pm decide na ko mag pa IE muna sa lying in bgo pumunta ng hospital at 6-7cm n ako at sunod2 na ang contractions, by 12:46 am lumabas na Baby girl ko..

Hindi to umepek saken pero nirereseta talaga yan pag 38weeks na. Medyo may kalakihan lang talaga pag ininom syaka medyo masama lasa.😅 Pero sabi nga mas maganda daw to pag insert sa pwerta. Mas effective. Patulong ka kay hubby mo ipalagay sa pwerta mo tapos dapat nakahiga ka lang para di tumagas ang gamot.

Hello po momsh opo need po yan para po lumambot ung cervix nyo nag take din ung sister ko nyan para pag punta mo sa lying in or hospital ready to pop kana ndi kana mahirapan dahil po sa pandemic kayo lang po ng magpapaanak sayo ang kasama mo 😊 Have a safe delivery mommy to be . Godbless

mamsh, di nakalagay sa recommendation if oral or vaginal? sakin kasi una oral intake, 1 capsule every 6hrs. nung d pa dn nagopen cervix tsaka lang pinagawang vaginal naman, 2 cap every 4 to 6 hrs. depende po ilang weeks ka na at gano kaopen cervix or not.

VIP Member

Mas Effective Daw iF iNsert Sa Pwerta Sis, Binigyan Ako Ganyan Ng Hipag Ko Nung NagLabor Ako, iNsert Ko Daw Kapag Matutulog Na Ako, Yung Hindi Na Ako Tatayo. sad To Say Di Ki Na Nagawa iiNsert Kase Hindi Na Ako Pinatulog Haha And Tumatayo Tayo Pa Ako.

ganyan din sakin momsh tinetake ko na tlga para makaraos na yes po pwede sya oral and pwede din insert sa pwerta, ako po umiinom isa sa umaga, isa sa tanghali, then insert isa sa gabi. 38 weeks and 1 day din ako momsh.

same 39weeks 7 days lang ako uminom ng ganyan 3cm pa din ako makapal daw cervex ko

aqu mommy ngaun nainin din Nyan 3x a day for 1 week,,Sabi ni doc pag d pa din aqu nanganak after maubos,, follow up check up aqu sa kanya,,then insert na Ang gagawin,due q po Dec 12,,Sana talaga makaraos na,,

Iniinom din yan sis keri mo yan. Ako uminom ako niyan 3 days after 3 days nag pa check up ako sa OB tas pinasukan niya ko sa pwerta ng 6 na capsule after non nag labor na ko ehehhe

6 po yung pinasok ng ob ko sakin eh tas kinabukasan nag labor na ko pero 4-5 cm pa din tas nag insert uli siya ng 4 caps ayun madaling araw nanganak na ako

mumz malaking tulong ang primrose kung gusto mong normal lang ang panganganak mo.. Din mas ok kung iinumin mo kasi yan ang makakaopen nang cervex mo at d ka mang hina agad.

Trending na Tanong

Related Articles