Ako po mommy naka3 times lang po.. 1st - nung 8 weeks na ko.. Kita na agad si baby and malakas na heartbeat niya😊 2nd - around 26 weeks.. CAS (congenital anomaly scan) check kung may birth defects si baby and gender reveal na din.. 3rd- 36 weeks.. BPS (biophysical scoring) eto na yung final check kay baby.. Yung movements niya and kung may cord coil.. Actually before ako mag pa3rd na ultrasound.. Gusto ko pa talaga magpa4D ultrasound para makita namin si baby kung sino ba kamukha sa amin ni hubby.. Kaso late na ko nagdecide magpaganun.. Around 34 weeks na ko nun.. Hindi na daw pwede.. Baka nakaengage na daw si baby sa pelvis ko☹️ hindi na daw makikita😂