..

Ask ko lang po, apilyedo ko kasi yung ipapagamit ko kay baby. Pede pa po ba ipabago yun pagkinasal kami ng tatay ng baby ko sa future? Di po ba kami mahihirapan ipabago yun? Gusto ko po kasi apilyedo ko muna yung gamitin ni baby habang di pa kami kasal ng boyfriend ko. Thank you po. Sana my makasagot hihi.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas better po if ipagamit mo na apilyedo ng daddy kasi magiging complicated pa yan. d lang siya basta pwede ipapalit, parang iaadopt pa siya ng daddy niya para lang mapalitan apilyedo ng baby niyo

5y ago

Advice lang po. If willing naman ang dad na ibigay ang surname niya, bigay niyo nalang po kay baby. Kung magkatuluyan man po kayo or hindi, kasi, ganon din pagdadaanan ni baby. If ever magpakasal ka man sa iba at papalitan ang surname ni baby, same process. Que dala niya ang surname ng daddy or hindi. Naiintindihan ko ang parents mo. Pero if willing naman ang tatay na ibigay apilyedo niya, deserve naman niya yun. Speaking from experience kasi ako, d kasal parents ko. Never sila kinasal, pero dala namin apilyedo ng dad ko kasi inacknowledge niya kami. D naman kami nagkaproblem. Basta involved lang ang tatay.