Pagod at Puyat

Ask ko lang po ano po epekto ng sobrang pagod at kulang sa tulog sa hindi pa ipinapanganak na sanggol? (4 months preggy here) Ganito po kasi yun, dalawang araw na po akong sobrang pagod sa work at sa paglalakad ng sobrang layo (naglalakad po ako hanggang sa terminal namin tapos lakad ulit para sa pangalawang sakay tapos lakad ulit sa pangatlong sakay) kaya pagkauwi po hindi po ako agad nakakain at late na rin po natutulog. And then kagabi po, pagkauwi ko po nakaramdam ako ng sobrang pagod po kaya sumakit buong katawan ko lalo na po ang dalawang kamay ko kaya hindi po ako nakatulog agad at iyak ng iyak lang po. Ano po possible na mangyayare po sa anak ko? Ano po magiging epekto sa kanya? Salamat po ng marami sa pagsagot ng concern ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

More on sa'yo po yung effect. Possible po na magkaron ka ng hypertension, and diabetes. Also it can result to premature birth based sa OB ko. Pag super pagod ako, pinapainom niya ko ng Duvadilan, pampakapit. Pero better na i-reseta muna sayo yun ng OB mo before mo i-take. If you're stressed dahil sa pagod, ayun po yung may effect kay baby, more on sa brain development niya.

Magbasa pa
5y ago

Dalawang araw na pong pagod dahil po sa paglalakad. Tapos dahil po dyan nawawalan din po ako gana kumain late na kapag kumain po.