Kailan pwede bumili ng gamit ni baby?

Hello, ask ko lang. May naniniwala ba dito sa kasabihan na wag muna bumili ng kahit anong gamit ni baby ng maaga? If naniniwala or hindi, kailan po ba pwede bumili ng gamit ni baby? #babythings

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

myth lang yan. madami nagsasabi ng ganon sakin non lalo n byenan ko pero di ako nakinig sakanila dahil hindi naman nila ako bibigyan ng pambili kung pakikinggan ko sila no🙄 char pero ayun nga as soon as nalaman ko na buntis ako nagstart nako nag impok ng mga gamit pang baby like crib barubaruan kahit di ko pa alam gender kinokonti konti ko hanggang sa nakumpleto ko mga gamit bago ako manganak. ultimo baby bag ko 8mos palang tyan ko kumpleto na talaga ako may stroller at duyan pa pati mga panlaba ganyan. kung hindi ko ginawa yon tapos hinintay ko muna na malapit sya lumabas bago ako namili? sure akong di ko makukumpleto gamit ni baby ko non sis. pero tignan mo naman okay na okay naman si baby ko 2yrs old na ngayon sobrang kulit na hahaha

Magbasa pa
2y ago

bandang huli ang sabi ng byenan ko sa asawa ko mautak daw ginawa ko na inunti unti kong kumpletuhin gamit ng anak ko literal na kumpleto at gamitin banaman lahat hahaha. hanggang tumuntong ng 1yr old anak ko kumpleto sya eh wala nako masyadong ginastos kundi diaper nalang. okay lang naman na maniwala sa pamahiin pero minsan mas need natin isipin yung papano tayo kung maniniwala nalang tayo don ang hirap kaya mamili ng isang biglaan sure akong di mo makukumpleto non at gahol na gahol sa oras.