dati po akong accounting officer at ako po mismo ang nagpprocess ng maternity benefit ng mga empleyado po sa company na pinagttrabahuan ko. ang una pong kailangang gawin ng company niyo is to notify the SSS na kayo po ay buntis. at isusubmit nila yun through online lang. what you need to give to your employer is maternity notification form para dun po sila magbabase ng details na isusubmit nila sa sss. kung yun na po ang tinutukoy mong finile niyo po via email sa company niyo, mas maganda kung hihingiin niyo po ang transaction # para malaman mo kung talagang naireport na ng company niyo ang pagbubuntis mo. then wait ka po hanggang manganak ka saka makakuha ka ng physical docs na need nilang requirements na ipapasa sa sss. di mo pa po mafifile ang pagclaim niyo po ng sss benefit sa ngayon dahil di pa naman po kayo nanganganak. but according to the Philippine law, your company is oblige to give you full amount of your sss benefit kahit di ka pa nanganganak. at makukuha po nila ang refund pag tapos ka na po manganak at makuha na nila ang mga requirements na need mo ibigay sa kanila. para malaman po ang mga requirements you can check it sa sss website po. and definitely yes po macclaim niyo po yun.
Magbasa pa
Mommy of Two Angels