Kasambahay issue

Ask ko lang mga mamsh if there's anyone out there kagaya ko. Yung una kasi naming kasambahay sa first baby namin, lumayas noon dahil nakalmot nya yung baby ko sa mata. May namuong dugo pero naawala naman after a day or two. Them itong yaya namin ngayon for our 2nd baby, nakalmot nya ko sa palad. That's when i noticed na ang hahaba ng kuko nya. Nagpapahaba rjn naman ako ng kuko pero konte lang kasi takot ako makalmot ko mga anak ko. So sinabihan ko sya magbawas ng kuko and nanindigan sya na ayaw nya magbawas kasi pinapahaba nya daw talaga πŸ™„ nung pinagalitan ko sya, nagkulong na sya sa kwarto and di nya pinapansin yung toddler ko kahit nagtatakbo sa labas or kinakausap sya. Ano gagawin ko sa kanya mga mamsh. Nanginig ako sa gigil sa kanya kanina. Mainitin din siguro ulo ko mula nung nag pills ako pero gusto ko sya murahin. I think nag aattitude sya e. Pero nasabihan ko sya na "yung katangahan mong sandamakmak napagpapasensyahan ko pero pag nasaktan mga anak ko diko alam ano magagawa ko sayo". Ang exaggerated ko yata sa part na yun. nakakahinayang naman pauwiin kasi kami pa namasahe sa kanila ng papa nya mula iloilo pa-rizal. Haaaaayyyy

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

paalisin mo na mag attitude siya e kasalanan nya yan in the first place di naman talaga pwede mahaba kuko ng kasambahay or Yaya at kung pinagalitan man aba tanggapin nagtatrabaho siya mag sorry dapat or dapat kahit napagalitan di dadamay ang Bata, paalisin mo na yan mmya saktan pa nya baby mo Kasi sa asal palang Sayo Ganon na paano kapag ung Bata nalang Kasama just saying lang po nag init ulo ko hahah

Magbasa pa

pauwiin mo nalang mii,nakakahinayang man sa pamasahe pero mas mahirap pag may nangyari pa masama sa kids mo dahil sa attitude nyang yan. better be safe than sorry.

Paalisin mo na mamsh agad-agad. Wag ka po manghinayang, ikaw amo, ikaw dapat nasusunod lalo’t safety ng baby mo nakataya.