CS vs. normal delivery

Ask ko lang, bakit may mga mommy na ayaw ng CS? mas mahirap ba ang CS compare sa normal? kase for me parang mas okay ang CS kase di ka na maglelabor pa. #CsDelivery #CSMom #firsttimemom

55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Based sa mga kaibigan kong na CS, kapag malamig ang panahon kumikirot daw ang tahi nila. Hindi ko alam kung totoo yun dahil normal delivery ako nung nanganak ako. Ang daming mga nanay na nakikipag-away pa kung anong mas mahirap, ma CS ba o normal? Pareho lang yang masakit, parehong 50/50 ang buhay natin, parehong nagsasacrifice tayo para sa anak natin. Pare-pareho lang tayong mga nanay kaya bakit pa nagtatalo-talo yung iba? Oo kapag normal delivery ka madali ka lang makarecover pero hindi ibig sabihin e hindi na kami nasaktan. Masakit mag labor. Mahirap umire kung alam nyo lang mauubos ang lakas mo kakaire. Tapos kapag wala ka ng energy yung iba naCCS na. May tahi din kami, kung saan lumabas ang bata tinatahi yun. Ang mga na CS mas matagal ang recovery kesa sa mga normal delivery na nanganak. Hiwain ba naman yung ilang layers ng balat mo e. Tapos yun nga sabi ng mga kakilala ko na tuwing malamig ang panahon kumikirot ang tahi nila. Tsaka mas mahal pa ang gastos ng CS. Mahihirapan ka pa mag karga sa baby kaya need mag binder. Parusa din daw kapag nagkaubo ka.

Magbasa pa