CS vs. normal delivery
Ask ko lang, bakit may mga mommy na ayaw ng CS? mas mahirap ba ang CS compare sa normal? kase for me parang mas okay ang CS kase di ka na maglelabor pa. #CsDelivery #CSMom #firsttimemom

Both my children were born via NSD. Sa panganay ko palang dahil hirap na hirap ako sa labor gusto na ko ipa CS ng husband ko pero kahit sobrang sakit na ng pakiramdam ko I still opted to feel the pain during the labor kesa ma CS ako. Sa NSD kasi after a week or 2 okay ka na, balik normal na ang kilos, makakaligo ka din ng di nag woworry na baka mabasa ang stitch mo unlike sa CS. Matagal ang recovery pag CS, pwedeng healed na ang labas na hiwa pero sa loob hindi pa, kaya andiyan pa yung worry mo na baka bumuka kaya restricted ang kilos. Yung anesthesia na tinutusok sa spine in the long run nag cacause ng back pain. Bilang isang mom na nanganak via NSD, bilib po ako sa mga CS moms kasi grabe ang hirap ng recovery. Hindi biro. Both type of deliveries have pros and cons, kahit anong klase pa ng delivery yan lahat yan may kasamang pain. Painful but worth it para sa mga anak natin. ❤️
Magbasa pa