βœ•

18 Replies

Sis as soon as nalaman mong buntis ka no matter what magpa-check up ka,hnd kita tinatakot ah meron dyan complete check-up,vitamins nagkakaroon pa ng complications. Kapag gusto my PARAAN,kapag ayaw maraming DAHILAN. Hindi ka naman nakatira sa Liblib na lugar siguro noh? Saka hnd ka ba man lang nag ask sa mga kakilala mo of anong pwd mo gawin? Meron online consultations sis.Pagagalitan ka nyan. Pinapayagan ang buntis lumabas bsta medical. Minsan kasi kulang tayo sa explanations eh kapag hinarang ka sa Checkpoint sabihin mo "6months na po ako,wlaa pa po checkup kaya need konpo tlaga". Ako ilang beses na ako nakadaan sa check point wala pa ako any travel pass. Hayss hnd tlaga biro maging ina,isipin mo hnd lang buhay mo ang importante pati ung baby na nasa tiyan mo. Pagdating mo sa paanakan baka lalo kang hnd tanggapin,isipin mo 9months no check-up? Kahit hnd doctor maiinis kapag ganyan eh.

Naku momsh, dapat nagpa check up ka po kahit once a month man lang. Pag wala ka kasi record lalo na pag public ospital kayo manganak Di ka po asikasohin O tatanggapin. Saka okay lang lumabas ang buntis pag medical check up po ang pupuntahan. Need rin ng nutrients ang baby mo. Kahit na feel mo healthy ka po. Ma's okay pa rin talaga na may professional doctor ang mag check sau at ky baby mo. Try mo pa Check up ngayon momsh, 6 months kapa naman. Maka habol kapa kung may eresita man sayo si ob.

yes sis need mo po pacheckup dahil baka wala tumanggap sa inyo pag manganganak na kau dahil un po unang una hahanapin sa inyo kung ano2 po ba mga results ng lab nyo pati po ultrasound dahil kung wala ka po maipapakita sa kanila baka pag may nangyari sa inyong di maganda sila ang masisisi mo, unfair nman dn po un sa mga doc and nurses dahil wala nman sila maipag babasehan sa kung ano man record nyo. Kaya nman po mag pacheckup khit sa center lng eh doble ingat nlng po saka always wear face mask lng..

VIP Member

Need mo po magpa pre natal sis. Para narin mamonitor ka at si baby sa tummy mo. May mga lab test din na kaylangan gawin at ultrasound. At the same time mahihirapan ka humanap ng hospital or lying in na tatanggap sayo kasi wala kang record or ultrasound man lang. Pwede naman po lumabas pag mga check up kahit sa center lang open naman, if ever walang mode of transpo you can contact your brgy para makapag assist sayo ng free transpo.

Ako nya sis nung nalaman ko buntis ako tapos gusto na talagang magpa check up for vitamins man lang sa baby, o check ang heartbeat. Hindi ako pinapayagan nilang lumalabas, sad life ako nun. Kaya may midwife na pumunta sa bahay namin to check lang sa vitamins. But nang nag GCQ na kame pagka bukas pumunta ako OB at yun ok lang ang size ni baby and at peace na talaga ako. Pa check ka momsh if sakto lang bata sa buwan nya.

VIP Member

Mommy, may online consultations para manlang sana sa vitamins na need mo intake. Importante po ang pre natal care. Mapapagalitan ka talaga nyan sa ospital, alam mo pong buntis ka e, tapos di ka manlang gumawa ng paraan para makapagpacheck up. Kami ng partner ko, nilakad namin papuntang lying in para lang makapagpacheck up ako.

Pwede po lumabas for check-up. You need to have your check-up napakarami pong lab test and at this point need mo narin ng naka 2-3 ultrasounds na dapat. Hanapin niyo na po ung nearest na pwede kayo magpacheck. Just be careful and stay healthy and clean panlaban sa sakit.

Bkit wala kang check up.? Cmula nung nlaman mong buntis ka ndi mo na try mag pacheck up manlang .. ? Anu lang ginawa mo? Ea kelan lang amn naglockdown . Tska kahit na lockdown dapat kahit center pinagtyagaan mo na . Kawawa amn c baby mo .. Bka pati vitamins wala kang ininom .

Yes, pag ganyan pag xa center ka papagalitan ka na bakit di ka agad nag pa check up noong alam mong buntis ka. Kasi noong pumunta ako ng center ang dami na papagalitan. Na alam na nila na buntis di sila agad nag pacheck up para mabigyan agad ng vitamins para xa inyo ni baby

Dito samin meron napagalitan, kisa ganito ganyan bakit di daw alam na buntis agad di nag pacheck up para daw masubaybayan ung pag bubuntis, lalo na daw c baby

Momsh wag mo isisi sa lockdown. as far as I can remember march lang po nag lockdown. 6months preggy ka na. dapat as soon as nalaman mo na preggy ka nagpa check up ka na agad. Hope all is well sainyo ng baby mo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles