388 Replies
hi doc. nag 2 months baby ko nung April 1. CS po ako. kelan po ba dapat mawala na ung lochia? di ko po kse alam kung ung lumalabas na patak ng dugo eh ksma pa dun sa lochia na tntwag or mens ko na. nag dodo na po kse kme ng asawa ko since 4 or 5 weeks mga 1 1/2 month c baby. balak ko po kse magfam planning na sana kelan po kaya maganda cmulan?
89. Doc question lang po CS po ako, nanganak ako March 02, 2020. May ff up check up dapat ako nung March 17, 2020 kaso nag lockdown po nacancel ff up check up ko un din ung time dapat na tatanggalin yung tahi ng CS ko. Subcuticular suture po. Ayos lang po ba Doc na until now di pa sya natatanggal at naextend pa ang lockdown? Hindi po ba sya delikado?
65. Good pm po Dra. Since di po natuloy ang checkup ko kahapon dahl sa nCov, dami po akong nakapending na vaccines ko na di natuloy. Di parin po ako nkakapagOGTT :( I'm 30 weeks and 4 days po. Hanggang kelan po ba dapat ang OGTT? Tsaka possible po ba na manganak ako ng May ng katapusan kahit ang EDD ko sa 1st transV ko po ay June 14. Salamat po Dra.
Hi dra. Maraming salamat po 😍
98. Doc ano pong magandang pills? Natry ko po ang exluton kasi yun ang reseta ng ob ko after ko manganak (mag 5 months napo bby ko now) pero not po ako nag mens.. Nag stop ako uminom, nagka mens po ako.. Gusto po sana mag switch ng ibang brand ng pills, ano po mare recommend nyo po? Since not po ako maka visit sa ob ko now dahil sa ecq.. Thanks po
Okay doc. Thank you.. Not na po ako nag pa breastfeed sa baby ko :)
28 years old po. 1st baby. EDD sa transV Aug 1, 2020. Hello po Doc, ask ko lang po if tuloy ko lang po vitamins ko ferrous+folic tsaka calcium. Im on my 23rd week now. And bat po kaya ako nakakaramdam ng pagkahilo kapag araw especially after maglunch and acid reflux kapag gabi. And pwede na po ba ako magpa CAS ultrasound on my 24th week? Thanks po.
Calciday po Mam
goodday po doc, im rachel po,25 y.o, 38weeks na po ako, and due ko po sa una kong OB ay april 18 at sa 2nd OB ko ay april 3. niresetahan ako ni second OB ng eveningprimrose at buscopan pampaninis daw po ng cervix.. 1week na po ako nagtetake BAKIT po walang pagbabago? makapal pa din daw at still 2cm pa din in 1 week .. salamat po ..
71. Hello po doc.. Ask ko lang po kung ano vitamins po pwede ko inumin.. 18 weeks and 5 days npo. 28 Years old npo.. . Folic acid and mosvit elite po iniinum ko.. Itutuloy ko pa rin po ba un? Wala po kasi ako check up last march dahil po sa lock down. Salamat po. GOD BLESS. May kailangan din po bang vaccine para po sa buntis.? Salamat poooo
Salamat po doc!!! Ingat po kayo and God bless!!
Hi doc 19weeks po preggy po edd.august 28 ask ko lang po minsan po kase kapag tumatayo ako dumidilim paningin ko. Diko po alam kung anemic po ako kase minsan sumasakit ulo ko pati batok ko eh hindi naman po makapag pa check up gawa po ng virus. Wala narin po akong folic acid wala nadaw po stock sa center pano po kaya yon? Thankyou po.
20. Hello ask ko lang po. Folic and vitamin B po kasi ang vitamins ko ngayon. Paubos na po ung nireseta sakin. Hindi ko po alam kung ituloy ko pa po ung gamot. Hindi po ako makabalik sa OB ko dahil sa lockdown and hindi po macontact sa ospital landline lang kasi. 11 weeks na po ako ngayon. Thank you po! 25 yrs old EDD: October 25, 2020
Maraming salamat po sa pagsagot :)
23 years old 17 weeks and 1 day Edd. Sept. 16 2020 Doc ask ko lang po ilang weeks po ba dapat naramdaman na nagalaw si baby sa tummy? Feeling ko po kasi walang nagalaw pero parang may napitik akong nararamdaman. Normal po ba un kasi Mataba akong tao e 90kg po kasi ung timbang ko. Maraming salamat po sa pag sagot Doc 😊😊
Kristen Cruz- Canlas