#AskDok LIVE chat with OB-GYN on April 8!

Sasagutin ng LIVE ni Dr. Chris Soriano, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa pagbubuntis! Simula na po ng tanungan sa official thread (to be announced) sa darating na April 8, 3-5 pm. May naiisip na ba kayong tanong para kay Dok? TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok. - Mga katanungan sa pagbubuntis at reproductive health po ang sasagutin ng ating OB. - Please make sure na complete details po ang ibigay ninyo kapag nagtatanong (edad, ilang weeks na ang ipinagbubuntis, due date, etc) - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE chat with OB-GYN on April 8!
103 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Doc tanong lang po, 30pcs ni riseta ng ob ko sakin na follic acid tapos ko na po inumin. Hindi pa po ako nakakapag pa check up ulit ituloy tuloy ko lang po ba ang pag inom nun hanggang sa makapag pa check up ulit ako? 11wks pregnant po ako. Salamat po