Baby's Essentials.
Anytips po. 6months preggy gusto ko lang po unti untiin ung mgs gamit ni baby ano po kaya una kong pede bilhin.

ako mi nakompleto ko na yung sakin 😅 parang 3 months palang ako namili nako paunti unti, inaabangan ko lagi yung sale sa shopee at lazada. from newborn essentials, mommy essentials to newborn clothes, car seat. ang kulang ko nalang ay crib at drawer na lalagyan nya ng damit ☺️ masaya mamili pero dapat practical mi, namili din ako ng pre loved clothes pero branded from UK tapos konti lang din. Wag ka bibili ng full size baby shampoo, puro maliliit lang para di sayang kung hindi hiyang si LO mo paglabas. konting diaper lang din sis ako binili ko yung unilove airpro buy1take1 ko nabili. Tatlong receiving blankets, ang dinamihan ko lampin, wag ka din bibili ng madaming feeding bottle. Ako 2pcs lang binili ko isang malaki isang maliit, in case lang kailanganin.
Magbasa pa


