Pregnancy depression

Anyone here suffering from anxiety and depression during their pregnancy? What are the things na ginagawa nyo to distract yourself from sadness? Nalulunod ako sa mga negative thoughts ko.. lalo ako na titrigger ng bf ko (di kami live in) Iniisip nya saken baliw na ako and dapat ako ipadala sa mental health, sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko kasi pinapamukha nya saken na GF lang ako, at hanggang GF lang ako. At the end of the day mag sosorry sya and saying na sya dapat nakakaintindi saken etc, na sorry nasabi nya lang yun kasi galit sya, na sorry kung ang pakiramdam ko na ganon lang tingin nya saken.. Need ko lang talaga siguro malabas to, kasi Di ko na talaga alam kanino ako lalapit para mailabas lahat ng pain na nararamdaman ko. #1stimemom #pleasehelp #advicepls #pregnancy

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako din nakaranas ng ganyan, this last few months sobra akong nadedepress bakit kamo? kasi yung asawa ko pagkagaling ng work may mag aya lang sa kanya uminom sige lang siya ng sige kahit malayo dadayo pa talaga siya pero nagpapaalam naman siya sakin ayoko naman siya pigilan sa gusto niya kaya pinapayagan ko pero hindi niya nararamdaman yung nararamdaman ko i mean wag naman sana araw araw kasi buntis ako at walang kasama sa bahay tuwing wala siya kailangan ko din ng makakausap at ng nakakasama. kaya minsan iniiyak ko nalang talaga sa sobrang sama ng loob ko sa kanya na kahit katabi ko siya matulog sa gabi hindi ko padin maiwasan ang hindi maiyak. dumating na nga ko sa punto na sa sobrang sama ng loob ko sa kanya nakikipaghiwalay nako at gusto ko ng umuwi sa magulang ko. Pero ngayong kabuwanan ko na kinausap ko siya at halos nagmakaawa nako sa kanya na kung pwede wag muna siya alis ng alis kapag kagaling sa work niya kasi hindi ko masabi baka bigla akong manganak wala siya sa tabi ko :( nakinig naman siya kaya ngayon okay na kami kasi nagbago siya😊 humingi din ako kay lord ng sign kung dapat paba na ituloy yung relationship namin and dininig ako ni lord😇 Nasa pag uusap niyo lang yan magpartner at kapag sobrang down na down kana kausapin mo si lord promise sobrang sarap sa pakiramdam🤗 sana maging maayos na kayo at lalo na ikaw mommy❤ isipin mo nalang si baby para maging malakas ka.

Magbasa pa