ATM

Anu pong masasabi nyo dito mga misis??

ATM
91 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Para sa akin Depende sa asawa. Kapag matino sa kanya mo pahawak pra maging responsable pero kung pasaway (babaero, mabisyo, barkadista, etc.) hawakan mo kasi ikaw na Asawa at ang mga anak ninyo ang kawawa ang ending NGANGA may mga utang utang pa

Depende yan e. Ako never ko kinuha atm niya, as long as binibigay niya yung hatian namin sa expenses. Parehas kami may work kaya equally divided ang expenses namin. Gusto ko pa rin na may freedom siya sa sariling perang pinaghihirapan niya.

Walang work ang misyer ko, ako naman private teacher. Kapag sahod q.. sa kanya q ibnbgay ung pera... ngayong buntis aq at wala ring parehas na trabaho, ganoon pa dn siya pa rin nahawak sa pera q na nakukuha q sa mga bgay ng pamilya ko.....

di ba pwedeng pag-usapan yan ng mag-asawa? pwede naman kunin ni mister yung pang daily allowance nya then bigay na kay misis yung mga pambayad ng bills, grocery, etc. saka dapat, mas maganda kung tulong sila sa pag-budget.

VIP Member

Pati ba naman yan, gagawan nang batas, para lang may masabi kayong may nagawa kayong batas ba. Anyway, kahit naman gawan niyo, di ko hawak atm nang asawa ko at alam niya naman ang responsibilidad niya bilang isang ama.

Baka naman po hindi nagpaalam si misis na kuhain at gastahin ang pera. Syempre pinag uusapan yan ng mag asawa sila ang mag badget tapos kung may sobra o extra dun na sila decide kung anu pang puedeng gawin dun sa sobra

VIP Member

depende parin. ako may hawak ng ATM at sahod nya pero pag may gusto sya bilhin sagot ko naman lagi eh okay bumili ka. wala naman kaso sa akin siya rin naman nagbabudget 😅 hawak ko lang naman pero di ko ginagalaw.

VIP Member

Mabuti nalang at hindi ko hawak ang ATM ng asawa ko. Siya nagmamanage sa budget kaya stress-free ako. Ang role ko lang ay, "gusto ko ng," "bili tayo ng," "sabi ng baby mo sa tummy ko, gusto daw nya ng icecream." 😂😂

4y ago

same here sis 😊

Haha isa nanaman pong bugok mag isip na ang alam lang ay kumuda at hindi muna nag research kung bakit sa misis napupunta ang atm ni mister.. Ni simple budget nga di kayang gawin ng mga mister.. 🚫🚫❌❌

asawa ko nag-mamanage ng gastusin namin okay lang naman sakin kasi may part time naman ako, tsaka pera naman nya yun in the first place. nabibili nya mga gusto nyang bilhin, and ganun din naman ako. 😊

Related Articles