byenan
anong ugali ng byenan mo ang pinakaayaw at gusto mo?
Ayaw ko sa ugali yun kpg my ngaya na mainom sa knila sasabihin ikw na bhala magluto ng uulamin nyo mgiina.mas inuuna angiba kysa pamilya.at laging nsa galaan.😅😅
Since mother inlaw (so far) ang nakasama ko ok naman maalaga saken nung buntis palang ako, mapagmahal sa apo. Pero minsan may topak pero di naman lagi hehehe. I love you mama!
Yung nag cocompare saka yung dapat i-please mo every now and then. Mahirap talaga pero makisama kasi wala naman maganda mangyayari kung magtatanim pa ng sama ng loob e.
Makatak, hindi nmn about saken pero sa apo nia, sa anak, sa asawa nia.. Wala nmn ngyayare kakatak sya minsan kase naalala nia ganito ganyan tas pagsasabihan nia sila... Gusto ko na mabait sila saken :)
Masyadong talatitok akala mo alam na nya lahat. Alam mo yung pati gamit mo pinakekekelamanan. Tas di nagpapaalam. Akala nya yung anak nya palagi gumagastos. Hays
Walang pinaka ayaw.. Ang pinaka gusto ko ay hindi madamot ang byenan ko.. Lalo na kapag may pera sya or kahit wala syang pera.. Mabait byenan ko sakin 100% mas close kopa sya kaysa sa mga inlaws ko.
Yung ayokong ugali Drama queen para makahingi ng pera..yung gusto naman WALA!! Haha hinahayaan ko na lang sya kasi mahal sya ng asawa ko. Nanay nya yun e.😁
Im so blessed dahil wala akong problema sa byenan ko kahit nung mag jowa pa lang kami ng asawa ko sobrang okay yung samahan namin.
twice lang kami nag meet ng byenan ko, pero feeling ko maldita yung byenan ko.. hihihi.. kasi malayo yung loob ng asawa ko sa kanila.
Ang pinaka ayaw ko, yung kung ano ang nakita nila noon sayo, ganun padin kahit magbago ka. Ang pinaka gusto ko, hindi nila kami pinabayaan.