#AdvicePls

Anong pong gagawin niyo pag nalaman niyo pong may iba ang mister niyo. (ulit)

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

depende kung anong level ng relasyon nila at nung kabit. kung fling, ginerlfriend, binahay, etc. kung ako, at hindi lang unang beses ito ginawa... makikipaghiwalay na ako. hindi healthy para sakin ang ganoon klase ng relasyon. sa emotional, mental health ko. kahit may anak kami, makikipaghiwalay ako. sometimes, iniisip natin magstay para buo ang pamilya, para sa kapakanan ng anak... pero minsan hindi din pala yun okay. Kasi yung self-worth mo, mawawala, mababawasan... Yung negative energy, maipapasa mo sa mga bata... yung feeling depressed, insecure, hindi ka happy, bitterness na feeling. NO, i refuse na makita akong ganun ng mga anak ko. Ipapakita ko sa kanila, na sa buhay, hindi dapat nakasandal o nakadepende ang "happiness" sa ibang tao, importante ang self-love, ang self-worth. pero nasa sayo ang desisyon. kung kaya mo pang magstay o magtiis. tandaan mo, hindi man makapagsasalita ang mga anak mo sayo pero mase-sense nila ang energy/vibes mo, positive man o negative. Pray, lumapit ka kay Lord. Ipagpaalam mo kung ano man ang magiging desisyon mo sa buhay, ihingi mo ng gabay ito sa kanya.

Magbasa pa