Giving Birth Stories
Ano'ng most memorable moments mo while you we're giving birth?
yung napapaaray ka sa sakit tpos ssabihin nung incharge na nurse, "wag ganyan umire ka wag sumigaw" πππ tpos nung sinabi kong masakit babarahin ka ng "alam mong masakit manganak pangalawa mo na yan e"π natatawa nalang po aq pag naaalala ko lahat ππ
yung nag lalabor ako kung ano anong ritwal ginawa sa akin..πππ. another moment po yung ininduce na ko,nakahiga lng ako kc may nka kabit na pang monitor kay baby. yung ang skit sakit na gusto mo bumangon at gumalaw galaw para maibsan ang sakit pero di mo magawa...
yung manganganak na ako pero pinapauwi pa ako kasi 3cm pa lang. buti na lang yung private ob ko, bumayag na maadmit na ako. thanks to her kasi pagdating ko pa lang sa delivery room, 6cm na agad ako. edi kung umuwi ako nun, sa bahay siguro ako nanganak.
18hrs monitored sa Labor room, injection of Magnesium sulfate due to headache and high bp until they decided na ilabas na ang baby ko via CS. Before that naka ilan tusok sa spinal ko bago ko naramdaman na umepekto na un anesthesia ko.
Yung naka-2 muna akong hospital and 1 lying in bago manganak.. Then ended up CS... Nakakakaba inambulance nako then turok ng anesthesia nagdadasal ako kay God na ok si baby. Salamat sa diyos at nailabas naman sya ng maayos. Thank you God.
halos 20 hrs of labor last minute na pag ire biglang lumabas nag mamadali silang lahat, double cordloop pa si baby kaya medyo violet ung cheeks nya. pagkalabas hawak nya pa ung last na primrose oil capsule na nilagay sakin
I'm really amazed by your stories mommies. Somewhat funny ang iba pero grbe po ang lakas ninyo. Sana kapag nanganak din aq ndi aq masyado pahirapan ni baby ππ»ππ»ππ». #ftm here πππ.
Hindi ko na mapigilan at sa labas ako ng hospital nanganak. π’ Kaka-trauma experience namin ng baby ko dahil ang tagal lumabas ng doctor bago kami asikasuhin. Napasama ako sa may mga covid patients kahit di naman ako positive sa covid.
yung moment na forcep ako at sa sobrang pagod hindi ko na naramdaman na nilabas na si baby at pilit kong binubuka yung mata ko kasi nilagay na si baby sa dibdib ko di na talaga kinaya nagising nalang ako nasa room na kami
nung pinapatulog ako pero di talab sakin yung pampatulog both sa 1st and 2nd baby ko.. Mejo ramdam ko yung pag hiwa sa tummy ko and yung tunog ng bawat gupit at kung anek2.. haha! Cs delivery pero nag labor ng bongga..