Gamit ni Baby
Anong month ng pregnancy po advisable na mamili ng gamit ni baby? Dami ksi sale ngayon sa mga mall at online, kya lng 5mos preggy plng po ako, hnd ba masyadong maaga pa pra bumili ng mga gamit? Salamat po sa mga sasasagot... #firstimemom #advicepls
Pa unti2 mamsh, unahin yung mga importante talaga. Mas pangit kasi pag isahang bili, baka may makalimutan pagmalapit na due. Noon nagsearch ako sa youtube kung ano lang dapat yung bilhin kasi yung iba di namn magagamit, may nakita kasi ako sa youtube na dami niyang binili mahal pa tapos sa huli di din nagamit. Sayang lang
Magbasa paNamili ako ng baru-baruan nung 5 months ako. Sinabihan ako na saka na daw kapag 7 or 8 months ako. Tinanong ko bakit? Hindi ako nabigyan ng sagot, kaya mamimili parin ako 😅🤣 Hindi na kasi ako makapag antay at gusto ko na rin ma-ready hospital bag at sayang yung sale 🤣
i think depende sa budget nyo. 5 months preggy ako when we started buying mga gamit ni baby. pero pakonti-konti lang para di mabigat sa bulsa. hanggang sa makumpleto na mga gamit before due date ko. if you have a big budget, you can start buying na maramihan on your 3rd trimester
Ako mamimili na mamsh sa 12.12 sale. Tutal alam ko na rin gender ni baby. Tsaka more on gender neutral bbilhin ko. Unahin ko muna damit niya (set), swaddle, pang-laba ng baby clothes, tsaka pang gupit ng kuko at isang newborn feeding bottle. Sa next year na yung iba pa ☺️
ako 4 months palang nag iipon na ko paunti unti nang gamit para di isang bagsakan ang gastos para makapag ipon pa nang ibang needs ni baby at para sa bills sa hsopital.
Since alam mo n ang gender ni baby, pwd k n po mamili kht paunti unti bsta keri ng budget mo.. Ska mas marami po ang sale pgkatapos ng holidays mommy..
Ako din maeexcite mamili pag nalaman ko gender ng bb ko hehe.. Kaso di pa nya pinakita nung pina UTZ ako 20weeks. balik ulit kami sana makita na hehe.
Ako mag 6 months, pero meron na akong mga gamit like clothes, crib, breast pump, carrier. Sabi nga nila, mas maganda ang may gamit kesa sa wala.
pwede kna mag unti2x ng gamit sis ako nung nalaman ko n buntis ako agad bumili n ako unisex n damit n baby para hindi mabigat s bulsa 😅😅
Basta may sale at pambili, bumibili na ko agad. Pero dahan dahan lang din kasi pag nag baby shower kayo, may mga magreregalo din naman. ☺️