Mas magandang overnight diaper ?

Anong mas magandang diaper mga mommy ? Rascal amd friends po ako now kaso medyo maharlika ang presyo kaya naghahanap ako na pwedeng ipalit kay R&F na ka same quality nya ? Medyo.sensitive kasi skin ni baby. Sana may mga mairekomenda po kayo sakin thanks ❤ #1sttimemom

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

eto mga reco ko mi: - huggies dry (nb to 1mo si lo ko to gamit, no leaks!) - eq dry (may wetness indicator, no leaks din kahit overnight. manipis kaya comfy) - moosegear tape/pants (fav to ni husband, cute daw ng design and may wetness indicator. also, may tape ung back ng pants for disposal. tested 12hrs overnight kay baby no leaks! manipis din kaya comfy si baby) - unilove slimfit pants (kapalitan ni moosegear kapag nagsasawa ako sa itsura 😂 may disposal tape at manipis kaya comfy. slimfit kaya runs small. tested din sa overnight, no leaks! ang generous pa mag voucher sa lazada kaya ang mura ko nakukuha) include ko nalang din mga di ko bet: - pampers dry pants (binili ko pa ung naka box na promo online kasi un gamit ng niece ko before pero parang nagbago na ng quality. hindi na din sya mabango. nag hihimulmol pati + nag leleak. bilis mapuno. no disposal tape din kaya hassle mag tali. also runs small.) - eq pants (nabasa ko na recos ng mga tipid moms pero di ko bet. bulky and no disposal tape. grabe din kapag nawiwian na sobrang lawlaw na parang namumuo na ewan. nag leleak din.) - hey tiger (not really dry, maharlika pero parang wala naman sila pinagkaiba ni EQ pants. grabe mamuo kapag nawiwian. nagka mild uti pa si baby dito kaya its a no for me.) sensitive skin din si baby. sa morning, 3-4x ako nagpapalit ng diaper. after linisan, pat dry then apply ako ng rash cream lalo na sa gabi. since boy si baby, ung balls nya and palibot, nilalagyan ko rashcream for protection since sa harap lang napupuno ng wiwi kapag baby boy. so far 8mos na si baby and never nagka rashes 🥰

Magbasa pa
2y ago

thanyousomuch for the recos. mii hirap mamili 😂

Unilove diaper pasado for me sa overnight Pero kahit na super absorbent siya basta nagising sa Gabi si baby at nagpadede ako para maiwasan ang UTI nagpapalit pa rin ng diaper.. Kleenfant din almost same sila ng Unilove may wet indicator lang siya Pero yung quality same lang din🥰 hindi din kasi ako into maharlika diapers din kasi.. Pag umaga every 2 to 3hrs palit ko ng diapers Kay baby kasi kahit onti palang wiwi takot ako sa UTI for babies .. feeling ko magtatapon lang ako ng pera kung ganon kabilis magpalit ng diaper kung sobrang mahal Yun bibilhin ko..

Magbasa pa
2y ago

sa akin naman una ko nagustuhan talaga kay Unilove yung wetwipes nila.. na available din sa mga physical stores Pero anlaki tipid pag bulk orders bulk kasi ako mag stocks ng mga essentials ni baby.. totoo po mahirap magtiwala.. kaya bago ako bumili ng ipapagamit Kay baby nagcheck muna ko sa mga reviews at trusted brand naman po yan matagal na sila sa industry Unicare yan si Unilove nauna na sakanila yung mga adult diapers bago sila naglabas ng pang baby.. ang mahirap pagkatiwalaan Yun mga generic brands o kaya yung mga nabibiling bulk na walang label na diapers .. true mainit nga yung mga maharlika diapers kasi yung Mamypoko din di comfortable si baby ko ayun nakastock lang dito at same lang din sa akin every 2 to 3hrs pa rin palit ko kay baby mas napamahal din talaga ko ayaw ko may nakikita may wiwi si baby na matagal sa diaper😅

VIP Member

Hey tiger mi by rf din. Mas mura ng konti. Pero same quality. Pero tip lang, if nakahanap ka na ng diaper na super okay lalo sa leakage, wag ka na magpalit. Naka unilove at eq si bb dati. Lagi nagleleak. Katagalan mas napapagastos dahil palit ng palit. Konting tagilid ni baby leak agad haha .Unilove kasi sobrang cute size haha kaya super prone sa leakage. Pero kung gusto mo talaga mag rf search mo sa fb or tiktok yung maramihan na rf. Naka pack lang sila not sure san nila nakukuha un. Pero same quality talaga as in rf haha pero 300 lang 50pcs na.

Magbasa pa
2y ago

sige mi try ko para mkatipid ako thanks po

I recommend huggies po may leakage protection plus no rashes din medyo pricey lang hehe i also tried kleenfant and pampers since nag hahanap ako ng mura yet same quality nung diaper ng baby ko. pero nung na try ko kleenfant sobrang liit pala ng small, absorbent naman pero grabe mag leak ng wiwi at poop since walang leak protection. pampers okay naman parang medyo malapit ang quality sa huggies pero nag leleak padin super nipis din nya.

Magbasa pa

Try korean diapers mi. Sa tiktok shop sobrang mura lang and good for overnight use. Recommend ko lang mi. 230php for 50pcs. Mula gumamit ako kay bb ko laki ng natipid ko. 2000php ang gastos ko kay bb sa monthly diaper palang. Ngayon ung 50pcs good for 12-15 days na nya. Hindi pa sya nagkakarashes. Pwede sa mga tight on budget. Ung quality talaga nagustuhan ko. Absorbent compared to EQ, hindi nagleleak compared to UniLove.

Magbasa pa
2y ago

same una eq kasi newborn palang sia ung l.o ko now 5 months na nung mga 2 months nag Korean diaper nakami kasi di naman sia nagkakarashes okay naman ung pwet nia bali hiyang sia un ngalang iba iba ung makkuha mong diaper sa Korean kasi assorted bbigay nila. bali design lang naman ata ung nagbago dun parehas lang din naman un

Moosegear and Mamypoko talaga! Pero just try kasi baka hindi hiyang ang anak mo. Nag try ako ng ibang brands, dko nalang e memention pero nagka rashes ang baby ko tsaka yung iba maliit yung sizes nila. Moosegear and Mamypoko ang ikakarecommend ko. Walang leak at hindi nagka rashes ang baby ko.

Magbasa pa

i used R&F lang since nb si baby till mag change ako now cloth diaper na gamit ko. sobrang laking tipid and iwas rashes and uti na rin si baby. pero pag nalabas kami r&f pa din

super twins. subok na pang premium ung texture. di napupuno agad. ewan bat di to sikat to think ang nice ng design nya tyaka mura. Ill recommend this over unilove diaper

Post reply image

pampers premium. manipis lang sya at higit sa lahat breathable syang totoo. mejo pricey lang. nag try na din ako ng hey tiger pero makàpal especially sa likod part ?

try mo mamsh yung kleenfant, maganda ung diaper nya tsaka subok na no leak kahit matagal mapalitan pwedeng pwede sa gabi. tsaka try mo din ung moose gear diaper.