Sino po dito single mom? Ilan months na kayong preggy ng iwan kayo ng partner nyo?

Anong ginawa nyo para di maisip o madepress sa pag iwan ng ama ng magiging anak nyo? Kasi alam naman natin na sobrang sakit at hirap sa pakiramdam ung feeling na iniwan ka at mag isa lalo na at buntis nagkakaroon ng emotional breakdown at samot saring pakiramdam .paano nyo na overcome ung pain at lalot higit haharapin ang mga taong madaming tanong kung bkit ka iniwan ? Bkit di pinanagutan? Mas lalo nakkadepress ang katanungan na sana pwede nalang pumnta sa malayong lugar na walang nakakikilala sayo .naramdamn nyo rin ba minsan ang self pity , at ibang iba sa pangarap mo na mgkroon ka ng buong pamilya sana , ung malaking expectation sayo ng pamilya mo at mga tao ? Im 3months pregnant iniwan at di pinanagutan mga mommy out there na nakaranas na maiwan na nabuntis ano ang pwedeng gawin , just to incouarage at mapalakas ang aming mga loob sa mga sitwasyong ganeto 😓 #advicepls #pregnancy

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. May best friend po ako, born again christian po xa. Yung mother at father niya both pastors sa church na ang nagdadala, simula pagkabata sa simbahan na cla nakatira. Imagine kung gaano kahirap nung malaman niyang buntis xa at ayaw xang panagutan nang childhood best frnd namin na bf niya na super close na sa family niya at itinuring ng kapamilya. Tapos ung lalaki e nabuntis yung ex at yun ang pinili at hindi ang best frnd ko. Imagine kung gaano kasakit na haharapin niya mag-isa kac iniwan na xa nung taong akala niya magpapahalaga s kanya. Saklap pa nun, gusto pang ipalaglag nung lalaki ang baby kac hindi daw sa kanya e kilala naman niya mula pagkabta ung best frnd ko na xa lng unang lalaki sa buhay niya. Nakita ko kung pano nadurog ang best frnd ko pero geabe hands down ako sa sobrang tapang niya at sobrang pagtitiwala sa Diyos. So ang mapapayo ko sis is tatagan mo pa ang loob mo ang surrender everything to our God Almighty. Hindi ka niya pababayaan. Pls pray and lift up all ur worries to him. Inilayo ka lang niya sa taong sisira sau. You have your little angel now.. Pls think of it as a blessing instead. Tatagan mo ang loob mo hindi ka din pababayaan ng pamilya mo. God bless and sana naka help.

Magbasa pa
5y ago

Sana okay ka na ngaun momsh. Laban lang