Sino po dito single mom? Ilan months na kayong preggy ng iwan kayo ng partner nyo?

Anong ginawa nyo para di maisip o madepress sa pag iwan ng ama ng magiging anak nyo? Kasi alam naman natin na sobrang sakit at hirap sa pakiramdam ung feeling na iniwan ka at mag isa lalo na at buntis nagkakaroon ng emotional breakdown at samot saring pakiramdam .paano nyo na overcome ung pain at lalot higit haharapin ang mga taong madaming tanong kung bkit ka iniwan ? Bkit di pinanagutan? Mas lalo nakkadepress ang katanungan na sana pwede nalang pumnta sa malayong lugar na walang nakakikilala sayo .naramdamn nyo rin ba minsan ang self pity , at ibang iba sa pangarap mo na mgkroon ka ng buong pamilya sana , ung malaking expectation sayo ng pamilya mo at mga tao ? Im 3months pregnant iniwan at di pinanagutan mga mommy out there na nakaranas na maiwan na nabuntis ano ang pwedeng gawin , just to incouarage at mapalakas ang aming mga loob sa mga sitwasyong ganeto 😓 #advicepls #pregnancy

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

single mom ako before 10yrs old na sya ngayon and shes a girl...naghiwalay kame nung nalaman nya na buntis ako...by the way iisa akong anak kaya lahat ng expectation ng magulang ko naglaho nung nabuntis ako..hinde ko hinabol ang ama ng anak ko nung nakipagbreak sya pumayag ako..self pity naranasan ko yan even ang magsuicide naisip ko din yan pero inisip ko pano ang bata sa loob ko di man lang nya makikita ang mundo..pinaglabanan ko lahat depression as in lahat..umabot sya ng almost 6 months nung nalaman samin na buntis ako hahahaha nakisama ang baby ko sa tyan..pinagalitan ako oo pero lahat ng galit tinanggap ko..yung mga tsismis ng tao hinde ko pinansin yun kase pag inisip ko yun lalo lang akong maddepress at tsaka bat mo sila iisipin lahat ng tao may kanya kanyang problema pag uuspan ka nila para may mapag usapan lang....isipin mo na lang yang bata sa tyan mo ang future nya..kayanin mo para sa anak mo its a blessing..isipin mo ang good side kung bakit ngyari sayo yan..hinde sya talaga ang lalaki para sayo kagaya ko hinde ibibigay sayo ang pagsubok na yan kung di mo kayang lampasan...goodluck mommy and godbless

Magbasa pa
5y ago

nakikita ko naman po sya..pero never ako huminge ng sustento sknya..at ipinakilala ko sya sa anak ko..ipinaliwanag ko saknya ang ngyare....kasal na po ako ngayon sya na yung tumayong father ng anak ko