Anong ginawa nyo mga mommies? Halos mag 2 mos ng barado ilong ni baby ( mag 3 mos na si LO this December) pero usually sa gabi at pag gising lang nya . The rest of the day okay naman sya. Sabi ni pedia salinase lang daw kasi wala naman syang runny nose. I tried the nasal aspirator pero wala nga nakukuhang mucus dahil nga wala syang sipon pero parang biik sya kung huminga minsan. Pwede naman daw patakan ng salinase any time kasi salt and water lang un pero wala pa din ako nakikitang improvement. Minsan nahihirapan sya matulog dahil hirap nga siyang huminga. Hindi na rin kami nag aircon pag gabi kasi napansin namin na isa yun sa mga nagttrigger ng pagbabara ng ilong ni baby. Naexperience nyo rin ba un? Any advice? TYIA