UNUSUAL SYMPTOMS OF PREGANANCY
Ano yung nga nararamdaman niyo na di pangakaraniwan mga Miii? #firstmom
Hello! FTM here. Hindi ko akalain na buntis ako non. Nilagnat ng 1 day, after that kumain kami sa labas kasi magaling na ako. Pagkauwi, medyo nahihilo summer that time akala ko sa init lang. tapos nagdiarrhea pa ako non. Bumili asawa ko that time ng inihaw na bangus, pag ka open niya ng lalagyan naduwal ako. Walang gana kumain non. Nag pa-gastro pa ako non akala ko na food poisoned ako kasi umabot ng 1 month nadduwal walang gana kumain sa umaga. Nung nag PT ako ayon Buntis pala ako. Wala ako sakit, buntis ako ðŸ¤ðŸ˜‚ nalaman ko nalang end na ng 1st trimester.
Magbasa paang kakaiba lang sa usual na mga symptoms na naramdaman ko nung buntis ako. ftm. Butlig sa both hands, makati pag kinamot dumadami at nagtutubig, Rashes sa likod papuntang butt area lalo pag malamig and parang mga mini pimples sa dibdib papuntang breast as in ang dami nangingitim pag natuyo kaya mag change ako ng soap from kojic to dove, nag add den ako ng aloevera gel sa katawan bago lotion. at di na muna nag aircon pag malalamig para di matrigger yung rashes ko
Magbasa paRashes!!!! Grabe yung sa first pregnancy ko, nagkaron ako ng PUPPP (rashes caused by pregnancy) sa binti at paa. Sobrang kati and mainit yung feeling ng rashes, peak ng kati tuwing gabi kaya iniiyakan ko yun tuwing gabi, puyat na puyat ako from 6 months hanggang 3 months after ko manganak. Wala ding gamot for PUPPP kundi panganganak.
Magbasa pagoing 5 mos na po ako this week, ito din sakin, pro sa tiyan, dibdib at likod po..subrang kati.. ano po remedy nyu?
Hi mga Mie 1st time mom here 7mos pregnant. Normal lng din po ba yung feeling uneasy? Ilang days ko na tong nararamdaman. Wala naman masakit sakin, feeling uneasy ako parang lagi akong kinakabahan. One night humagulhol nlng aq sa iyak d q maintindhan sarili ko. Wala nmn masakit sakin.
Yung feeling bloated all the time, heart burn at as in wala akong ganang kumain kasi nakakasuka. Naramdaman ko po yan Nung 1st trimester ko. Yung sumampa na ako ng 2nd trimester ko unti unti ng nawala.
Baradong ilong. Ito ung super unusual for me. Nakaranas muna ako ng implantation bleeding and clogged nose ang isa sa sintomas pala without knowing na buntis na pala ko that time
Malalang rashes, Carpal Tunnel Syndrom 3mos gang sa nanganak ako... Sobrang sakit ng kamay na minsan walang lakas,.. Sana di nyo po maranasan
Walang morning sickness at naging normal ang pag dumi ko. As in everyday nako nag ppoop na dati ay hindi naman.
Meron po ba dito yung grabi ang sakit ng puson pati both left and rightside sa tiyan? Normal po ba yun?
Luh magpacheck up ka na rin mi. kakagaling ko lang sa ob, madaming laboratory hiningi ni doc. Pero ako 8 weeks palang. ikaw po kase 8 months na.
Makati ilong at lalamunan wala naman ubo at sipon tas hirap matulog sa una konaman pala tulog ako 😂