16 Replies
Depende sa position ni baby. Yung iba 16 weeks kita na agad kasi nakabukaka. Yung iba 6 mos na hindi pa din kita kasi nagcrossed legs yung baby during ultrasound. Ako 3 times nagpa utz para lang sa gender, una hindi kita, kasi naka crossed legs. Pangalawa kita na, pangatlo confirmed na. Magkakaibang clinic yan. Pwede kana magpa utz as early as 18 weeks para mafeed na yung curiosity haha, tapos pwede ka naman mag ulit if hindi kita. Medj magastos nga lang hehe
Depende pa rin po sa position ni baby mii. 21 weeks ako nagpa ultrasound for gender tapos di pa kita gender pero ginalaw galaw siya nong sonologist para makita tong gender...70% boy raw which means di pa siya sure at dahil excited ako nagpa ultrasound ulit ako ng 26 weeks tas don pa lang naging 100% sure na boy. Kumain ako that time ng matamis mga 20-30 mins bago ako i ultrasound para magalaw si baby at di siya naka steady sa 1 position lang.
In my experience 6mos ako nung sabihin sakin na baby boy daw, inantay ko talaga yun until 6mos. bago tignan. Tapos nung nag 7mos ako sabi baby girl. Haha naguluhan ako mi, kaya until now turning 8mos nako medyo confused pero okay lang. May isa pang ultrasound bago manganak, yun sure na talaga 😁
5months nagpapakita na pero mas better if 6months mahigit para sure and kaen po kayo ng chocolates, inom ng malamig na.juice or tubig habang papunta kayo sa ob para sure po na magpapakita ng gender si baby
Sakin po nalaman ko 4months pa lang. And every checkup sinasabi din sakin ng OB yu g gender, and so far hindi naman nagbabago. Baby girl pa din :)
syempre naman po :) kahit anong gender pa yan, blessing yan at ang mahalaga healthy si baby :)
Sakin di pa ko nag pa ultrasound alam ko na agad base sa alam ko sa pag tanaw kung babae o lalaki ba dinadala.
pano po ba malalaman kung babae o lalaki?
nabasa ko po para sure mga 7mos. kasi minsan daw nagkakamali sa gender pag masydo maaga nag papa check.
sa akin 3months palang tyan ko nun lalaki daw .. taka nga ako nun nakita agad .. pero uulit naman ako sabi kasi nila di pa yan sure kasi 3months palang tyan mo that time
4 months sakin nagpakita na at baby girl. Hoping sa baby gurl ulit 🥰🥰
Minsan po 14 weeks palang nakikita na, mas mabilis makita pag boy po. :)
Need po na 24 weeks pregnant para 100% sure kung ano gender ni baby
Anonymous