random
Hi ano po tawag sa iniinejctionan sa likod sa mga cs moms? Masakit po ba un?
REGIONAL ANESTHESIA – Dalawang uri ito na itinutusok sa likod nang nagbubuntis. Ang pagkakaiba nang dalawang ito ay kung saang bahagi nang spine inilalagay. - SPINAL - paginject nang anesthesia sa subarachnoid space nang spine. Karaniwan itong ginagamit para gawing manhid at paggalaw simula sa pusod pababa sa paa.Ito ay karaniwang ginagamit sa CS o cesarean section. - EPIDURAL O PAINLESS – naglalagay nang catheter sa may epidural space at doon papadaanin ang anesthesia. Ito ay maaaring ulit ulitin kung nakakaramdam na naman ng pananakit habang naglilabor. Ito ay karaniwang nilalagay kapag nasa ACTIVE phase na nang paglilabor ang buntis. Maaari din itong magamit kung kinakailangan nang maCS o cesarean.
Magbasa pa