ANO PWEDE GAWIN SA ASAWANG NAGWAWALA AT PINAGMUMUMURA KA KAHIT BUNTIS KA

Ano po pwede gawin. Ayoko magpadala sa stress dahil nasa 1st trimester pa lang ako. Normal sa stage natin ang emotional pero daig pa ko ng asawa ko kung pagwalaan ako. Di pa rin niya ata maintindihan na mas fragile ako ngayon. Sarap nga magbigti minsan habang tulog ang lahat. Naiisip ko na talaga.

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First of all sis, ano bang reason ng pagiging ganon nya or pagpapakita nya ng ganong actions? Daanin sa usapan, maging open ka sa kanyang hindi tama yung ginagawa nya and wag mong hahayaan na gaganunin ka nya kasi masasanay yan. Know your worth sis. Kausapin mo muna nang masinsinan pero kapag di pa rin nagbago or wala pa ring willingness na magbago, leave him. Uwi ka muna sa inyo baka kailangan mahimasmasan nyan. Ang tunay na ugali ng tao, lumalabas talaga kapag galit sya, if di sya marunong mag control ng emotions nya and di sya marunong maging kalmado, grabe lang mabibigay nyang emotional and mental torment sayo or worse, magiging forever dilemma o kalbaryo mo. Not good for u and your baby. Alwayssss pray sis! Be strong para sa baby mo. 🙏 Fighting!

Magbasa pa